Categories: Viral

Isang dating mag-aaral na nagtitinda ng puto at kutsinta pa lamang makapag-aral, isa nang guro ngayon!

Ipinanganak siya sa isang mahirap na pamilya kung saan ang kaniyang ina ay naisip nang ipamigay silang magkakapatid sa pagbabakasakaling magkaroon sila ng maginhawa at maayos na buhay. Siya ay si Benjie Liloc ng Balingoan, Misamis Oriental na naging isang inspirasyon sa maraming mga Pilipino at maging sa maraming mga kabataan dahil sa pagsusumikap nitong mapag-aral ang kaniyang sarili at maging matagumpay sa buhay.


Dahil sa nasaksihan niya at alam niya ang hirap ng kaniyang ina para lamang maitaguyod ang kanilang pamilya, mas minabuti ni Benjie na tumulong na lamang sa kaniyang pamilya sa pamamagitan ng pagtitinda ng puto kutsinta at iba pang mga kakanin sa kanilang lugar.


Dumating din siya sa panahon na wala nang bumibili ng kaniyang mga paninda. At dahil wala siyang magawa ay umiiyak na lamang siya sa isang tabi. Ngunit sa kabila nito ay patuloy pa rin siyang nagsumikap na matupad ang kaniyang mga pangarap sa buhay. Nang siya ay makapagtapos sa hayskul ay nabiyayaan siya ng iskolarsyip sa Misamis Oriental Institute of Science and Technology sa Balingasag, Misamis Oriental. Sa kasamaang palad ay hindi nabayaran ng taong nangako sa kaniyang pag-aaralin siya ang kaniyang matrikula kung kaya napilitan siyang huminto sa kaniyang pag-aaral.


Bagamat nalungkot at nadismaya siya sa isang taon niyang paghinto sa pag-aaral ay agad naman siyang nakabalik sa kolehiyo at siya ay patuloy pa ring nagtitinda ng puto at kutsinta upang matustusan ang kaniyang pag-aaral. Nagsumikap din siyang makahanap ng iskolarsyip at nasumpungan nga niya ang “Iskolar ko Ni Bambi” (IKNB” kung saan siya ay naging kuwalipikado. Ito ay pinopondohan ng gobernador na si Yevgeny Vicente Emano. Sa tulong ng iskolarsyip na ito at ng kaniyang pagtitiyaga at pagsusumikap sa pag-aaral ay nakatapos nga siya ng kolehiyo at ngayon ay isa na siyang ganap na guro sa St. Marys Academy of Talisayan.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago