Kakaiba ang wedding proposal ng security guard na ito sa kaniyang nobya!



Sadyang nakakakilig nga at nakakapukaw ng atensyon ang mga wedding proposal na ating napapanuod sa mga balita sa telebisyon o napapakinggan sa radyo. Kalimitan din natin itong nakikita sa social media. Kamakailan nga lamang ay gumawa ng ingay sa social media ang guwardiya na ito dahil sa kaniyang wedding proposal sa nobya.


Sa nasabing viral video ay makikitang naglalakad ang isang babae sa isang supermarket habang nakasuot siya ng pulang damit. Sa kaniyang paglalakad ay inaabutan siya ng bulaklak ng mga empleyado ng supermarket na kaniyang makakasalubong. Sa kaniyang paglalakad ay hindi niya mapigilang maiyak dahil sa tugtog na “A Thousand Years”. Sa dulo ng kaniyang paglalakad ay nakarating siya sa harap ng “Customer Service” counter ng supermarket, at naroon nga nakatayo ang kaniyang nobyo na isang security guard. At hindi na nga napigilan pa ng nobya na hagkan ang kaniyang kasintahan.




Matapos nito ay lumuhod na nga ang nobyo sa harapan ng kaniyang kasintahan at tinanong kung papayag siyang pakasal dito. Na hindi naman tinutulan ng nobya. Bakas naman sa mukha ng dalawa ang labis na kasiyahan sa napakasayang araw na ito na talaga namang babago sa kanilang buhay dahil sa malapit na silang maging mag-asawa. Umani din naman ng maraming papuri ang naturang video sa social media dahil sa pagtulong na ginawa ng mga empleyado ng supermarket at maging ang pagpayag ng may-ari ng nasabing establisyemento.


Hindi nga naman lahat ng katrabaho, o may-ari ng establisyemento o mga boss natin sa trabaho ang makakaintindi at papayagan ang kanilang empleyado na gumawa ng ganitong sorpresa sa kanilang negosyo lalo na at maraming tao ang maaaring makasaksi nito. Maaaring ito ay espesyal sa maraming tao na makakakita o di kaya naman ay maging abala sa ibang makakapanuod. Ngunit hindi ito alintana ng mga katrabaho at amo ng security guard na ito. Naging instrumento sila upang maisakatuparan ng nobyo ang kaniyang sorpresa sa kaniyang minamahal.






#KiligProposal

Trending karon ang video nga gi post ni Febie Grace sa proposal sa usa ka security guard sa iyang uyab sulod sa supermarket. Atangi unya ang ilang istorya sa TV Patrol Southern Mindanao, alas 5:30 sa hapon.

Posted by TV Patrol Southern Mindanao (Official) on Thursday, February 14, 2019




error: Content is protected !!