Kilalanin ang half-brother ni Liza Soberano na kamukhang-kamukha niya!



Ang aktres na si Liza Soberano ay nakasamang muli ang kaniyang 22-taong gulang na half-brother na si John. Si John ay anak ng tatay ni Liza na si John Castillo Soberano sa isang Portuguese na babae. Samantalang si Liza naman ay mayroong Amerikanang ina na ang pangalan ay Jacqulyn Elizabeth Hanley.


Ibinahagi nga ng kaniyang manager na si Ogie Diaz ang kanilang larawan sa social media. Dahil na rin sa pahintulot ng ina ng kapatid ni Liza na si John ay nakabisita ito sa kanilang ama na talaga namang ikinatuwa nito dahil sa anim na buwan pa lamang si John nang huli itong makita ng kaniyang ama.



Nakadaupang-palad na din diumano ni Enrique Gil si John at talaga namang halata sa dalawa na naging malapit na sila agad sa isa’t-isa. Si Enrique Gil ang nobyo ng aktres mula pa noong 2014 ito ay batay na rin sa kanilang panayam sa programa ng ABS-CBN na Gandang Gabi Vice nang sila ay natanong tungkol sa tunay nilang relasyon. Mayroon ngayong pelikula sina Liza Soberano at Enrique Gil na pinamagatang Alone Together na talaga namang tinatangkilik ng kanilang mga taga-suporta.


Ang 21-taong gulang na aktres ay ipinanganak sa California at pinalaki ng kaniyang lolo at lola nang maghiwalay ang kaniyang mga magulang. Sampung taong gulang naman siya ng sila ay nanirahan dito sa Pilipinas kasama ng kanilang ama. Mayroon pang mga kapatid na lalaki si Liza, ito sina Justin David, Dustin at Jaden. Hindi nga maipagkakailang nasa dugo talaga nila ang pagiging gwapo at maganda. Halos mapagkakamalan pa ngang kambal si Liza at John dahil sa kanilang pagkakahawig.





error: Content is protected !!