Isang balo ang nagpamalas ng kaniyang wagas na pag-ibig sa kaniyang namayapang asawa na hinangaan ng publiko!



Isang balo ang kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media matapos matunghayan ng maraming mga netizen ang kwento ng walang hanggan nilang pag-ibig ng namayapa niyang asawa.


Siya ay nakilala bilang si Crisanto Dela Cruz o Mang Cris. Siya ay isang mapagmahal na biyudong hindi alintana ang panghuhusga ng ibang tao at kahit ano pa ang kanilang sabihin basta’t naniniwala siyang ang tunay na pag-ibig ay magpasawalang-hanggan.




Ang kaniyang anak na si Mayette Dela Cruz Cinco ang nagbahagi ng istorya ni Mang Cris sa social media. Nangyari ito ng nagpasama si Mang Cris sa kaniyang anak upang mabisita ang puntod ng namayapa nitong ina. Nabiyudo si Mang Cris ng kaniyang misis na si Pepita o Aling Pitang noong 2013. Nalulungkot daw si Mang Cris kung kaya dinalaw niya ang kaniyang kabiyak na tila nalulungkot din at tinatawag siya upang kahit papano ay magkasama silang dalawa kahit sandaling oras lamang. At dahil sa mahal ni Mayette ang kaniyang ama ay isinantabi nito lahat at sinang-ayunan ang pakiusap ng ama.


Palagian na ngang mayroong plastik bag na iginagayak ang ama sa tuwing pupunta sila sa puntod ng ina. Mayroon itong laman na kandila, tubig na panglinis at pangsindi. Hindi rin naman nakalimutan ni Mang Cris na alayan ng puting bulaklak ang asawa. Habang naglalakad sila papunta sa puntod ng ina ay napansin ni Mayette na naluluha na ang kaniyang ama at nang nakarating na sila dito ay agad na inalis ng kaniyang ama ang mga dahon sa puntod nito. Sabay bigkas ng mga salita na tila kinakausap nito ang namayapang asawa, ayon pa sa kaniya hindi na dapat pang mag-alala ang kaniyang kabiyak dahil naririto na siya. Dagdag pa niya, “Hindi ko hahayaang hindi ka mapuntahan lalo na kung nararamdaman kong kailangan mo ko.”
Talaga namang naantig ang puso ni Mayette sa tinuran ng ama. Ngunit higit pa roon, ay mas naantig siya sa mga sumunod na sinabi ng kaniyang ama na kung sakaling dumating yung araw na magkakasama na sila ng kaniyang ina sa kabilang buhay ay sana naman kahit paminsan-minsan ay dalawin siya nito kung hindi siya abala. Hindi na napigilan pa ni Mayette na maluha at yakapin ang ama at sinabi nito na kailanman ay hindi naging abala o singit ang kaniyang ama.





error: Content is protected !!