Isang cute na batang Cheerleader ang sumali at pinuri sa “Asia’s Got Talent 2019”

Sino ang may sabi na ang pagiging isang cheerleader ay hindi para sa bata? Ang delikadong talentong ito ay kaya din ng bata basta may tiwala sa sarili at pagpupursigi.

Upang mapatunayan ito, maaalala niyo pa ba si Zeexhie? Ang batang sumali sa isang segment ng Eat Bulaga ang “Hype Kang Bata Ka”. Dito ay pinamalas ni Zeexhie ang kanyang galing, sa murang edad, sa talentong cheer dancing at acrobatic moves. Pero nito lang ay hindi lamang Pilipinas ang nakaka-kilala sa kanya ngayon.

Kamakailan lamang ay sumali siya sa isang kilalang patimpalak na “Asia’s Got Talent 2019”. Pagpasok pa lamang ng entablado ay todo na ang hiyawan ng mga tao dahil sa pagka-tuwa nila kay Zeexhie. Sa tuwing sasagot siya sa mga tanong ng mga hurado ay talaga namang napapa-“Aaawwww” ang mga manunuod.

Si Zianne Angierein Garcia o ang palayaw na Zeexhie ay may edad na 6. Bata pa lamang si Zeexhie ay sinanay na siyang maige ng kanyang ama ng kanyang mga magulang sa ganitong klase ng talento. Sa murang edad ay nakitaan na ng kanyang magulang ang angking talento ng batang si Zeexhie. Kaya naman nasasali na siya sa maraming tunggalian ng talento.

Lubos na ikina-mangha ng maraming manunuod ang pinamalas na talento ni Zeexhie sa Asia’s Got Talent 2019. Sa tulong ng kanyang ama na si Renier Garcia, ikinamangha ng mga manunuod ang mga akrobatik stunts na ginawa nila.

Sa umpisa ay naka-suot siya ng makulay na gown habang sumasayaw. Pero noong oras na ng pagpapamalas ng galing tinanggal ito at nagsimula na ang paikot-ikot niya sa ere.

Sa opisyal na channel ng Asia’s Got Talent sa youtube, nag-komento ang HERO MUSIC sa video ng pagtatanghal ni Zeexhie. Ayon sa komento:

“This is what happens if you leave your child with the father. LOL,”

Kaya naman buong tuwa din sinagot ng opisyal na account nila Zeexhie ang komento. Ayon sa kanila:

“Thank you so much everyone for all the support and the love! I will continue flying high for my dreams because I know you are all there. To be part of Asia’s Got Talent is one of my dreams which I never expected to come true! Maraming salamat po! Mabuhay Philippines!”



Reply

error: Content is protected !!