​Bumuhos ang tulong sa estudyanteng ito na hindi makasagot ng maayos sa kanilang pagsusulit dahil sa matinding gutom! ​



Matapos ang kanilang klase na nagsisimula ng alas-singko ng hapon ay nagbigay ng pagsusulit ang kanilang guro na si Teacher Jayvee. Pumukaw na lamang sa kaniyang atensyon ang isa sa kaniyang mga estudyanteng hindi nagsasagot sa papel nito. Inakala ng guro na walang pambayad ang bata kaya hindi ito nagsasagot ngunit mas higit pa pala doon ang kaniyang dahilan. Nabigla na lamang ang guro ng malaman na gutom na gutom pala ang bata kaya hindi siya makasagot!


Si Teacher Jayvee ay nagtuturo sa Santiago National Highschool sa siyudad ng General Trias, Cavite. Nitong nakaraang Pebrero 13 lamang ng mangyari ang nakakaantig na pangyayaring ito. Ang kaniyang estudyante ay nakilala bilang si Jovel Habagat. Habang nagsasagot ng pagsusulit ang kaniyang mga kamag-aral ay tahimik lamang siyang nakaupo sa kaniyang upuan. Dahil inakala ng guro na walang pambili ng test paper ang bata at inabutan na lamang niya ito ng isang papel ng pagsusulit upang makapagsimula na sa pagsasagot ngunit nanatili pa rin ito sa kaniyang pagkakaupo at hindi alintana ang papel na dapat ay sinasagutan na niya.



Dahil dito ay tinanong na niya ang bata kung bakit hindi siya nagsasagot. Nahihiya ang batang sumagot kung kaya ang kamag-aral na lamang nito ang sumagot para sa kaniya. Nagulat ang guro nang malaman mula sa kaklase ni Jovel na hindi pa siya kumakain ng kahit ano sa buong araw kahit pa pasado alas-singko na ng hapon! Dali-dali namang nagpabili ng pagkain ang guro dahil sa hindi niya maaaring iwanan ang klaseng nagsasagot ng pagsusulit.



Sadyang nalungkot at nahabag ang guro kung kaya ibinahagi nito ang mga larawan at pangyayari sa kaniyang social media account. At marami nga ang naantig sa kwento ng kawawang bata. Si Jovel pala ay mayroong walong kapatid at buntis ang kaniyang ina sa pang-sampung anak. Karpintero naman ang kaniyang ama, hindi sapat ang kaniyang sahod para sa malaking pamilya.


Tumulong naman kay Jovel ang isang Architect na si Patria. Mayroon siyang dala-dalang isang box ng burger, ilang de lata mga pagkain, sabon at shampoo.





error: Content is protected !!