friendshipgoals nga talaga silang magbabarkada dahil sa limang bansa na kanilang napasyalan!



Isang grupo ng magkakaibigan ang naging usap-usapan sa social media matapos nilang matupad ang kanilang pangarap na plinano nilang magkakaibigan limang taon na ang nakakaraan. Plinano nilang magkakaibigan na makapagbakasyon ng sama-sama sa isang lugar sa ibang bansa. Ngunit di lamang isa ang bansa na kanilang napuntahan kundi lima pa!


Hindi na lingid sa kaalaman natin ang salitang “drawing” na madalas ikinakabit sa mga kakilala o kaya naman ay mga kaibigan natin na hindi marunong tumupad sa kanilang mga pangako o binitawang salita.




Maraming dahilan kung bakit hindi nakakapagsamasama ang magkakaibigan. Marahil ay abala sila sa pamilya, sa trabaho, o kaya naman ay mayroon silang importanteng ginagawa o inaasikaso. O kaya naman ay nagtitipid sila dahil sa mayroong pinaglalaanan o kaya naman ay wala silang pera para sa pinaplanong bakasyon o pamamasyal ng barkada. Sino ba naman ang aayaw sa pandaliang pahinga, ligaya at saya na iyong mararanasan kasama ang iyong mga matalik na kaibigan.


Ngunit iba ang barkadahan na ito. Sila ay nangarap, nagplano, at nagsumikap na makamtan ang kanilang pangarap. Ayon na rin sa ibinahaging larawan ni Jocel Guden, pangarap lamang nila noon na makapunta at makapamasyal sa ibang bansa ngunit hindi lamang isang bansa ang kanilang napuntahan kundi lima!



Sa loob ng 18 araw ay narating nila ang Singapore, Malaysia, Vietnam, Cambodia at Thailand. Dagdag pa nga no Jocel na kahit Pasko at Bagong Taon ay tuloy pa rin ang kaniyang trabaho para lamang maaprubahan ang kaniyang “leave”. Hindi din naman lahat ng kompanya ay pumapayag na mawala o magbakasyon ang kanilang empleyado ng higit sa isang linggo. Habang siya ay nakapagbakasyon at nakapagpahinga ng 18 araw din!


Tunay ngang naging inspirasyon ang magkakaibigan na ito sa maraming mga netizen. Basta’t pursigido at nagsumikap walang pangarap na hindi makakamtan.





error: Content is protected !!