Isang lalaki ang nakaimbento ng isang “go kart” para sa pagbaba ng kaniyang mga kahoy sa daan!



Halos araw-araw ay mayroon tayong nababalitaan tungkol sa mga panibagong imbensyon at kamangha-manghang likha ng mga tao sa iba’t-ibang panig ng mundo. Gaya na lamang ng lalaki na ito na nakalikha ng isang “go-kart” upang mas madali niyang maibaba at madala ang kaniyang mga kahoy kaysa buhatin ito ng mano-mano.


Ang nasabing lalaki ay nakita ng isang motorista sa Brazil. Namangha sila sa nakita at talaga namang kinuhanan na kaagad ng mga larawan ang nasabing lalaki. Naihalintulad din ang pangyayaring kanilang nasaksihan sa isang “Mario Kart” na para bang nagbuhay sa ating mundo, wala nga lang itong mga kabuti at balat ng saging. Sinundan nila at kinuhanan ng mga litrato ang lalaking ito hanggang sa pababa ito ng daan. Naging kabado lamang sila ng mayroong nakasalubong na malaking bus ang lalaki na lulan ng “go kart” ngunit agad din naman itong nakahinto at hindi na nagdulot pa ng kapahamakan.




Hindi rin naman maiiwasan na mag-alala at mabahala ng mga taong nakakakita sa lalaki dahil sa liit ng kaniyang sinasakyan at malaki ang pagkakataon na mapahamak o madisgrasya ang lalaki. Dahil din sa liiit nito ay hindi agad na mapapansin ng malalaking sasakyan na mayroon pa lang maliit na kariton o “go kart” na nakasunod sa kanila. Buti na lamang at walang aksidenteng nangyari.

Ang nasabing munting sasakyan ay punong-puno rin ng mga kahoy na madidinig ding kumakaskas at tumutunog sa daan. Mayroon din siyang sako sa kaniyang bandang likuran. Malaking tulong din talaga ang munting sasakyan na ito sa maraming mga taong nagsusumikap sa buhay. Mapapansin din sa kuhang video ang daloy ng trapiko sa Brazil. Hindi katulad ng trapik dito sa ating bansa na talaga namang nakakainit ng ulo at maraming mga taong naaapektuhan.



Bagamat marami ang hindi sumasang-ayon sa paggamit ng munting transportasyon na ito dahil sa kapamahakan na maaaring maidulot nito. Hindi pa rin maikakaila na sadyang malikot ang isipan ng mga tao at sadyang napaka-malikhain natin. Talaga namang malaki ang maitutulong ng malikhaing kaisipan ng isang tao lalo na sa kanilang pamumuhay.


Quando vc acha que já viu de tudo, aparece esse cara nesse carrinho de rolimã carregando lenha kkkkkParece Mario Kart kkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkk

Posted by De tudo um pouco on Saturday, September 9, 2017




error: Content is protected !!