Isang Magandang Cosplayer ng Japan nakilala dahil sa kanyang maskuladong katawan



Para sayo, ano ang pamantayan mo sa isang magandang babae? Ang gusto mo ba ay iyong may katawan na parang modelo o mas gusto mo ay iyong medyo malaman? Iba-iba marahil ang sagot natin sa katanungan na iyan, kanya-kanya kasi tayong ng pag-iisip sa pag-husga ng kagandahang pisikal. Madalas tayong maka-kita ng mga babaeng magaganda ang hubog ng katawan. Hindi biro ang pagpa-panatili ng hugis ng katawan dahil maraming isasakripisyo at marami ring bawal.


Pero humanga na ba kayo sa isang babaeng maskulado ang katawan? Baka sakaling magbago ang pananaw mo sa kagandahan kapag nakilala mo ito. Siya si Reika Saiki isang propesyonal na Wrestler at Fitness Trainer sa Japan. Naging maingay ang pangalan niya sa Social Media nang siya ay nag costume ng isang karakter sa isang sikat na video game na Street Fighter.



Dahil sa pag-cosplay niya kay Chun-Li, ipinakita niya ang kanyang magandang pangangatawan at bunga ng kanyang workout. Mapapansin din sa mga larawan ang pagkaka-roon niya ng malalaking hita. Suot ang asul na costume ni Chun-Li, imbis na tusok-tusok na bracelet ang suot, mga weights na may bigat isang kilo ang ipinalit niya.

Sa Edad na 23, si Reika ay isang propesyonal na modelo sa Wrestle-1 na isang propesyonal organisasyon ng Wrestling sa Japan. Sa kanyang pag-gaya kay Chun-Li, mapapansin na bagay na bagay sa kanya ang pag-cosplay nito dahil sa maganda niyang mukha. At para mas mabigyang hustisya ang pagiging malakas ni Chun-Li na bilang isang karakter, ang maskuladong katawan ni Reika ang lalong nagpahalintulad nito.



Ang mga larawan ng cosplay ni Reika ay nag-viral sa social media at nakikita ito sa marami pang mga websites. Mapapansin din sa mga accounts ni Reika sa Instagram at at Twitter ang pagka-hilig ni Reika sa pagpapa-ganda ng kanyang katawan. Kung ikaw ay isang lalaki, nanaisin mo bang maging kasintahan o mapangasawa si Reika? Oo maganda siya! Pero yari ka sa kanya kapag niloko mo siya.