Isang nanalo ng $1.17M ang nagsuot ng maskarang nakakatakot upang hindi siya mahingian ng balato



Ano ang una mong gagawin kapag nalaman mong ikaw ay nanalo ng Lotto na nagkakahalagang milyon ang premyo? Ipagsisigawan mo ba ito sa inyong lugar? Ipo-post mo ba sa facebook? Malamang ay hindi! Siyempre ang mararamdaman ay walang mapag-lagyang kaligayahan. Pero bigla ka na lang mapapa-isip kung paano mo makukuha ang premyo ng hindi malalaman ng mga taong naka-paligid sayo.



Isang nakaka-tuwang pangyayari ang naganap kung saan ang isang nanalo sa Lotto sa Jamaica ay gumawa ng paraan upang maitago ang kanyang pagkaka-kilanlan sa publiko. Tinago sa pangalang A. Campbell ang nasabing nanalo ng nagkaka-halagang 158.4 Million Jamaican Dollars o 60,935,462.91 Pesos. Hindi siya nagmadaling kunin ang kanyang premyo, tumagal pa ng 54 na araw ang inantay niya bago niya kinuha ito. Sa kagustuhan niyang hindi malaman ng kanyang mga kamag-anak na siya ay nanalo, siya ay nagtakip ng maskarang hango sa palabas na horror na “Scream”.


Ayon sa Daily Mail report, talagang pinatagal niya ang panahon bago makuha ang malaking premyo upang maiwasan malaman ng kanyang mga kamag-anak ang pagka-panalo niya. Ito ang naging dahilan upang magtakip siya ng mukha.


Ayon pa sa artikulo:
“he wouldn’t have to share the money with cash-hungry relatives,”



Ikaw ano ang gagawin mo kapag ikaw ay nanalo ng Lotto? Gagayahin mo na si Campbell?

Para mas maintindihan natin si Campbell ito sinabi niya:

“Normally, I would write down the numbers from the [televised] draw, eat and then go and check my numbers.

“I looked at my ticket [that night] and ran into my bathroom and said: ‘I won! I won!’”



Ano naman kaya ang plano niya sa kanyang napanalunan? May mga naiisip na kaya siya?

“I want to get a nice house. I haven’t found it yet, but I’ll be looking for one soon. I like to handle money. I don’t beg, I don’t borrow.

“So I’m looking at things that can turn over the money. I have a little business, so I plan to make it bigger, buy an apartment. I love to have money.”




error: Content is protected !!