Mag-asawang Jennica Garcia at Alwyn Uytingco nagcelebrate ng kanilang anibersaryo sa Divisoria!



Masarap ang magmahal at mahalin, kakaibang pakiramdam ang iyong mararamdaman. Tila ba ikaw ay kumpleto na at wala nang mahihiling pa kapag natagpuan ang taong makakasama mo sa pang-habang buhay. Marami sa atin ang nakatagpo na ng ating “The One” samantalang ang ilan naman ay patuloy pa ring naghihintay. Isa na marahil ang mag-asawang sina Jennica Garcia at Alwyn Uytingco sa pinakahinahangaang magulang ngayon. Hindi lamang dahil sa mabuti silang mga magulang kundi dahil sa inspirasyon sila sa marami pang mga magulang at mga magiging magulang pa.


Mas pinili nila ang mamuhay malayo sa magulong mundo ng industriyang kanilang kinalakihan. Isang aktor si Alwyn Uytingco at aktres naman ang kaniyang asawa na si Jennica Garcia na kilala ring anak ng beteranang aktres na si Jean Garcia. Kamakailan lamang ay napamangha na naman nila ang publiko sa kanilang simple ngunit nakakakilig na pagdiriwang ng kanilang anibersaryo.




Nagdiwang sila ng ika-siyam nilang anibersaryo sa Divisoria. Tunay ngang hindi mahalaga ang pagiging garbo o enggrande ng inyong selebrasyon basta’t kayo ay masaya at kuntento sa inyong pagmamahalan. Ayon pa sa post ng aktres, sa isang traysikel sila sumakay patungong Divisoria dahil sa mayroon diumanong kulang sa kanilang plant shop. Dagdag pa ng aktres, kahit saan pa sila magdiwang ng kanilang anibersaryo ay ayos lang basta ang mahalaga ay magkasama sila.


Ikinasal sila noon sa isang simpleng pagdiriwang noong 2014 at ngayon ay mayroon na silang dalawang mga anak na sina Athena Mori at Alexis Severina. Kilala din si Jenica sa kaniyang adbokasiya patungkol sa natural na panganganak at pagiging magulang sa kaniyang mga anak. Sinisikap nilang mapalaki ang kanilang mga anak sa natural na pamamaraan lamang. Lalo na sa panahon ngayon na uso na ang mga “instant” na pagkain, social media, high tech gadgets at modernong teknolohiya.






error: Content is protected !!