Magkamukhang Kambal ang gustong magka-anak ng sabay sa isang lalaki



Para sa mga magka-kapatid, hindi nawawala ang pagmamahal at pagbibigayan. Pero kung mahalaga sa iyo, siyempre minsan ay marunong ka rin dapat magdamot. Dahil minsan ang pagdadamot ang nagbibigay kulay sa salitang mahalaga. Tinuturuan tayo madalas ng ating magulang sa pagbibigayan. Lalong lalo na sa mga kambal, bukod sa sabay silang pinanganak ay mga gamit nila ay maaaring gamitin dahil sila ay magkahalintulad.


Pero may kambal na siguradong ikaw ay mabibigla sa kanilang pagbibigayan. Sila ay may parehas na kasintahan at gusto nilang magka-anak sa isang lalaki na iyon. Ang kambal na tinutukoy ay sina Anna at Lucy De Cinque na taga Perth, Australia. Nakilala nila ang kanilang kasintahan sa online noong taong 2012. Ang lalaking ito ay si Ben Byrne at di rin nagtagal ay nagmahalan na silang tatlo magpa-hanggang ngayon. Ang pagmamahalan nila ay taliwas sa paningin ng maraming tao, pero kahit anong isipin ng ibang tao kung ito ang kagustuhan nila, walang makaka-pigil sa kanila.




Ang problema lang din nila ay bawal magpa-kasal sa Australia ng dalawa ang aasawahin. Ito ay taliwas sa batas ng bansa nila. Kaya naman ang kanilang kasal ay maantala at ang kagustuhan nilang mabuntis ng sabay ang kanilang pinaghahandaan. Hindi naman magiging problema ito dahil wala namang batas na nagbabawal dito sa bansa nila.


Ayon sa isang panayam kina Anna at Lucy:
“Our mum’s actually convincing us to go naturally, give birth naturally – so I don’t know how that’s gonna work cause we would need to be pregnant at the same time.


“It’s gonna be another challenge. It’s all up to Ben, I think. There’s a lot of pressure on Ben.”


Kaso marami ang mapapa-isip, kung sakaling manganak sila ng sabay, ang mga anak ng kambal ay kalahating-magkakapatid at magpipinsan din, at ang ama nila ay pwede rin maging tiyo nila?


Ang gulo di ba? Pero gayon pa man, ang kaganapang ito ay ikina-gulat ng maraming tao sa social media. Ikaw ano sa tingin mo ang naiisip ng kambal? Kung kakilala mo sila, susuportahan mo ba sila?