Isang ina ang sinusubuan at pinapakain pa ang kaniyang anak habang ito ay naglalaro at babad na babad sa kompyuter ng 48 na oras!



Naging libangan na nga sa ating mga Pilipino ang paglalaro ng online games. Karamihan dito ay talaga namang nakakalibang at mabisang pampalipas oras. Marami din naman ang naiingganyang maglaro nito dahil sa maaari mong makalaro ang mga tao o iba pang manlalaro sa ibang bansa na katulad mo ay may interes din sa paglalaro ng kinahihiligan mong online game.



Isang ina ang naging viral o usap-usapan sa social media dahil sa pagpapakain nito sa kaniyang anak na lalaki na humaling na humaling sa laro na “Rules of Survival” na isang online game. Dahil sa tutok na tutok ang anak sa paglalaro ay hindi na nga nito nagawa pang maglaan ng oras sa kaniyang pagkain. Ang ina ay nakilala bilang si Lilybeth Marvel.


Dahil sa labis na pag-aalala sa anak niya na 48 oras nang naglalaro ay kinuha na lamang niya ito ng pagkain at sinubuan sa mismong lugar o tila isang “computer shop” na kaniyang kinaroroonan.


Part2 na tayo mga bhezz katuwaan lng PO#byrequest

Posted by Lilybeth Marvel Garcia on Wednesday, February 20, 2019

Dahil na rin sa nilalaman ng nasabing viral video, maraming mga netizen ang nag-init ang ulo at nagtaas ng kilay at umani ng maraming mga negatibong komento ang bata. Agad naman itong pinabulaanan ng ina at sinabing pawang katatawanan lamang ang nais niyang ipabatid sa nasabing video na kaniyang ibinahagi sa kaniyang social media account. Ayon pa sa ina, maaari mo namang ipakita sa iyong anak ang nais mong mangyari o ang nais mong gawin niya nang hindi na kinakailangan pang pagbuhatan siya ng kamay. Matapos nito ay tuluyan na niyang binura ang kaniyang post upang hindi na tuluyan pang magalit ang mga netizen.

Tunay ngang walang makakapantay sa pagmamahal ng isang ina sa kaniyang anak.




error: Content is protected !!