Isang matandang lalaki ang nag-ipon ng sampung pisong barya at makalipas lamang ng dalawang taon ay naipambili na niya ito ng bagong motorsiklo!



Sabi nga nila kung mayroon kang ninanais na bilhin, pag-isipan mo munang mabuti ng ilang araw. Kung makalipas ang isang linggo ay nasa isip mo pa rin ang nais mong bagay at napag-isipan mong ito ay kailangan mo talaga saka mo na ito bilhin.


Ngunit kamangha-mangha ang matandang lalaki na ito mula sa Dumangas, Iloilo. Hindi lamang pitong araw ang kaniyang pinalipas kundi dalawang taon! Naging usap-usapan sa social media ang pagbili niya ng kaniyang pinapangarap na motor gamit ang kaniyang mga naipong barya sa loob ng dalawang taon.




Hindi lamang matipid si Tatay Rodrigo M. Cosio kundi siya ay wais din. Tunay ngang kung kukuha ka ng hulugan na motorsiklo ay tiyak na malaki ang magiging tubo ng mga kompanya dito. Maaaring doble o triple pa ang halaga nito kaysa sa pag binili mo ito ng cash. Kung kaya naman napakagaling ng naisip ng tatay na ito dahil mas malaki nga naman ang kaniyang matitipid. At dahil nga siya ay naging pursigido sa pag-iipon at hindi nagmamadali, nakuha niya ang pangarap niyang motor sa loob lamang ng dalawang taon at cash pa niya itong nabayaran!


Isang Angel Gel Azarb ang nagtatrabho sa binilhan niyang tindahan ng motorsiklo ang kumuha ng mga larawan at nagbahagi nito sa social media. Bagamat mahirap nga naman ang magbilang ng maraming barya, hindi ito alintana ng mga staff ng nasabing establisyemento dahil sa labis nilang pagkamangha kay Tatay Rodrigo sa pagsusumikap nitong makamit ang kaniyang inaasam-asam na pangarap.



Pinuri din ng maraming mga netizen si Tatay Rodrigo dahil sa pagtitiyaga nito na makaipon at sa pagiging wais nito lalo na sa pagbili ng kaniyang bagong motorsiklo na talaga namang malaki ang matitipid ko kaysa kumuha ka ng hulugan nito na maaaring abutin pa ng higit sa tatlong taon ang pagbabayad.




error: Content is protected !!