Anak ni Christopher de Leon sinabing wala nang halaga sa kaniyang ngayon ang kahit ano pang titulo!



Si Christopher “Boyet” Strauss de Leon ay 62-taong gulang na aktor at pulitiko. Kilala siya kaniyang husay at galing bilang isang batikang aktor at mayroon na siyang higit sa 120 na mga pelikulang nagawa mula pa noong 1970. Taong 2010 nang siya ay nanumpa bilang board member ng ikalawang distrito ng Batangas.


Si Maria Angelica de Leon naman o mas kilala din bilang si Mariel de Leon ay ang beauty queen title holder na anak nina Christopher de Leon at aktres na Sandy Andolong. Bukod sa pagiging anak ng mga sikat at batikang artista ay hinangaan din siya sa kaniyang pagsali sa Binibining Pilipinas 2017. Dalawang magkasunod na taon siya sumali sa nasabing patimpalak dahil sa hindi siya pinalad na magwagi sa unang paglahok niya dito. Siya ang kinoronahang Ms. International kung saan siya ang naging kinatawan ng ating bansa sa Tokyo, Japan.





Ngunit kamakailan lamang ay nagbahagi siya ng kaniyang totoong saloobin patungkol sa pagtapos niya ng kaniyang paglalakbay bilang isang beauty queen. Ayon sa kaniyang ibinahaging post sa kaniyang social media account ayaw na niyang tawagin pa siyang beauty queen dahil sa wala na itong halaga pa sa kaniya. Dagdag pa niya ang mga kababaihan ay hindi ang kung anumang titulo na idinidikta ng kaniyang komunidad upang maging siya. Mas higit pa roon ang pagiging isang babae.



Kahit pa siya ay nagbago na nang pananaw patungkol sa pagiging isang beauty queen malaki pa rin ang kaniyang pasasalamat sa lahat ng mga oportunidad na kaniyang naranasan dahil dito. Binigyang-diin pa niya na ang pinakamahalaga sa kaniya ngayon ay ang kaniyang sarili, pamilya, mga aso, sining, at musika.




error: Content is protected !!