Anak ni Raffy Tulfo na si Maricel inilarawan kung anong klaseng ama siya sa likod ng kamera!



Sino ba naman ang hindi makakakilala sa walang kinikilingan, matapang at matulungin na si Raffy Tulfo? Si Raffy Tulfo ay 58-taong gulang na batikang mamamahayag. Siya ay hinangaan sa kaniyang walang kinikilingan na pananaw at matapang na nagtatanggol at tumutulong sa mga taong mahihina, mga taong nangangailangan, at mga taong sinasamantala ng marami. Bagamat siya ay kilala bilang isang matapang na mamamahayag, iba pala ang kaniyang karakter bilang isang ama sa kaniyang mga anak.




\
Ang anak na babae ni Raffy Tulfo na si Maricel ay isang “Daddy’s Girl” kahit pa noong kabataan nito. Talaga namang ipinagmamalaki siya ng kaniyang ama dahil sa lumaki siyang maganda at mapagmahal na babae. Dagdag pa niya, madalas niyang nakakausap ang ama at nahihingian ng payo kahit pa ito ay tungkol sa kaniyang buhay pag-ibig. Binigyang-diin din niyang ibang klaseng tao ang kaniyang ama lalo na sa harap ng kaniyang pamilya, anak, at mga mahal sa buhay. Ibang-iba sa Raffy Tulfo na nakikita, napapanuod, at napapakinggan nila sa telebisyon, radyo o social media. Dagdag pa ng dalaga na malaki ang respeto at paghanga niya sa kaniyan ama at ito ay labis niyang ipinagmamalaki. Ito rin ang kaniyang matalik na kaibigan dagdag pa ng dalaga.



Tulad din naman ng iba pang relasyon ay nagkakaroon din ng tampuhan o di pagkakaunawaan ang mag-ama. Ngunit palagi nilang sinisigurado na ang mga ito ay agaran nilang mareresolba at masosolusyunan. Talaga nga naman na swerte siyang magkaroon ng isang napaka-astig na ama.




Tunay ngang hindi mo aakalain na ang isang matapang at walang inaatrasang mamamahayag ay isa din pa lang responsable, astig, at walang katulad na ama!