Ibebenta ni Jinkee Pacquiao ang kaniyang mga mamahaling koleksyon ng mga bag, damit at sapatos para sa kawang-gawa!



Kilala ang maraming mga artista at kilalang personalidad sa napakaraming koleksyon ng mga bag, damit at sapatos. Hindi matatawaran ang koleksyon ng mga kilalang personalidad na ito lalo na kung mga personal nilang gamit ang pag-uusapan. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan nga sa social media ang pagbebenta ng misis ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa kaniyang mga personal at mamahaling mga gamit para sa kanilang charity.


Ibinahagi ng fashionistang si Jinkee ang magandang balita sa kaniyang social media account na maging ang ilang mga celebrity ay pinagkaguluhan tulad nina Yasmien Kurdi at KC Concepcion. Ayon pa sa ilang ulat, ang patutunguhan ng nasabing garage sale ay mapupunta sa Jinkee and Manny Heart Foundation. Ito ay isang non-government organization ba itinatag ng mag-asawa upang makatulong sa maraming mga bata na mayroong sakit sa puso.




Ang mga larawan ng kaniyang signature shoes ay ibinahagi niya sa kaniyang social media account. Kung kaya naman maraming mga shoe lovers ang hindi mapigilang magkomento tungkol sa mga mamahaling sapatos. Ang isa ng sa kanila ay tila nais pa yatang bilhin o pakyawin ang lahat ng kaniyang mga ipinagbibiling sapatos.



Ang mga sapatos ni Jinkee ay size 6 lahat. May larawan din siyang ibinahagi sa kaniyang social media account na ang brand ay “Christian Louboutin”. Marami din naman ang hindi mapigilang malungkot dahil sa size 6 lamang ang sukat ng paa ni Jinkee habang ang iba ay may mas malaking sukat ng paa. Bagamat wala pang sinabing petsa o karagdagang detalye si Jinkee ay paniguradong marami na ang nag-aabang sa garage sale na ito. Sino ba naman ang hindi maiingganyang bumili ng mga pre-loved na gamit ng isang sikat at kilalang Jinkee Pacquiao? Tiyak na inaabangan at pagkakaguluhan ito ng maraming mga tao lalo na ng mga kababaihan!




error: Content is protected !!