Isang kasalan na maaalala! Gumamit sila ng bisikleta hindi mamahaling sasakyan!



Isang napaka-halagang pangyayari sa buhay ang kasal para sa dalawang taong nag-iibigan. Ito ang pinaka-mahalagang araw kung saan ay nagsusumpaan sa harap ng Diyos o sa batas.


Kaya marami sa mga nagdadaos ng kaganapang ito ay binibigay nila ang sobrang pagsisikap upang maging memorable ang kasal. Ang iba ay talagang malaking pera ang nilalaan nila upang maging magarbo ang kasalan. Ang iba pa ay todo-gastos ang ginagawa upang maging maganda ang pagdiriwang.




Kung sa bagay minsan lang sa buhay ang pangyayaring ito kaya ibinibigay na lahat ng makakaya upang maalala ito, hindi lamang ng mag-asawa pati na rin ng mga taong naging saksi sa kasalang naganap.


Pero sa realidad ng buhay, hindi mahalaga ang magarbong kasalan. Ang pinaka-mahalagang bagay ay naidaos ang kasalan ng maayos kahit na simple man ito o magarbo. At ang pinaka-importante sa lahat ay mahal ang isat-isa dahil ito ang dahilan ng pagdiriwang.



Kamakailan lamang ay may napapag-usapan na video patungkol sa kasalang kakaiba at siguradong maaliw ka sa ginawa nila. Imbis na umarkila ng mamahaling sasakyan, sila ay sumakay sa mgs bisikleta nila.



Sa video na naging-viral, inupload ni Aragon Ramos Nerrie ang kanilang video kung saan ay sabay silang nagbibisekleta ng kanyang asawa. Imbis na puting kulay na mamahaling kotseng pangkasal ang inarkila, ginamit nila ang kanilang mga bisikleta na talagang ikina-bilib ng maraming tao.


Sa naturang video, mapapansin na may mga bulaklak ang handle ng bisikleta ng babae upang maging angkop sa okasyon. Dinisenyo din ang gown ng babae na hindi mahaba upang hindi siya mahirapang pumadyak. Nagsuot din ang babae ng sneakers upang maka-tulong sa pagbibiskleta.




Ang ginawa ng mag-asawa ay tunay na memorable para sa mga naka-saksi nito. Ipinakita nila sa kanilang kasal ang kanilang hilig sa buhay at maaaring ito rin ang nagiging dahilan ng pagtibay ng kanilang pagmamahalan.


Kaya para sa mga gustong magpa-kasal, hindi kailangan ng sobrang magarbo. Ang importante ay kung paano niyo maipapakita ang wagas na pagmamahalan ninyo sa mahalagang pagdiriwang na ito.




error: Content is protected !!