Mga throwback picture ni Lucy Torres nagpamangha sa publiko, tila hindi nadadagdagan ang kaniyang edad sa paglipas ng panahon!



Ang mga personalidad sa industriya ng show business ay kadalasan nga namang hindi lahat ay tumatagal. Mayroong mga nagtatagal ay mayroon din namang mga panandalian lamang. Mayroon din namang mga iilan na nagagawang magtagal at manatili ng matagal na panahon sa industriyang kanilang napili.



Kahit pa sa paglipas ng maraming taon ay mapapansin natin na tumatanda na rin sila, ang kanilang husay at galing sa pag-arte at sa kanilang napiling sining ay tila lalo pang nagiging kamangha-mangha. Ngunit mayroon ding mga artistang aakalain mong paatras ang pagtanda dahil sa imbes na sila ay tumanda ay tila lalo pa silang gumaganda at bumabata sa paglipas ng panahon. Isa na marahil dito ay ang aktres at pulitiko na asawa ng aktor at pulitiko rin na si Richard Gomez.





Si Lucy Torres-Gomez ay isang 44-taong gulang na aktres at pulitiko sa Pilipinas. Siya ang kinatawan ng ika-apat na distrito ng Leyte. Kamakailan lamang ay nagbahagi siya ang kaniyang throwback na larawan noong siya ay isang kolehiyala pa lamang. At ito ay ikinabigla at ikinagulat nga ng marami niyang taga-hanga at taga-suporta. Dahil kahit isang dekada na ang nakalipas ay hindi pa rin kumukupas ang kaniyang mala-Diyosang kagandahan. Dagdag pa ng aktres, 18 taong gulang pa lamang siya noon at kinailangan niyang magmukhang “mature” at matanda kaysa isang dalaga. Ang kaniyang titig na tila walang emosyon ay talaga namang nakakapukaw ng atensyon ng sinuman. Tila isang buhay na Mona Lisa sa ating panahon ngayon. Isang Pilipina na kakikitaan mo ng pagiging simple nito ngunit elegante pa din. Minahal siya ng maraming tao hindi lamang dahil sa kaniyang angking kagandahan kund dahil na rin sa kaniyang talento, sa pagiging mapagmahal at mabuting tao.



Maging ang ilan sa kaniyang mga katrabaho sa industriya ay napapansing kahawig niya ang 18-taong gulang niyang anak na si Juliana.




error: Content is protected !!