Ito ang pag-scoop at pag-alok ng ice cream ni Angel Locsin na nakuhanan ng video



Ang kagandahan ni Angel Locsin ay hindi lamang sa panlabas na anyo niya pati na rin sa kabutihang taglay niya. May mga ibang artista na hindi basta-basta nagpapa-kuha ng litrato sa mga fans nila. Ang iba ay sobrang umiiwas at minsan ay may mga security pa. Tila ba mahirap sa kanila ang pakiki-salamuha sa ibang mga taga-hanga nila.


Pero ibahin mo si Angel Locsin! Kahit na sa katanyagan niya sa pagiging artista, nananatili pa rin siyang mapagkumbaba at malapit sa mga fans niya. Hindi lamang magandang mukha at katawan ang mayroon siya, pati busilak na kalooban ay taglay niya. Isang magaling na aktress si Angel Locsin ngayon at lubos na hinahangaan ng maraming tao. Kamakailan lamang ay nakuhanan siya ng video kung saan ay naglalagay siya ng sorbetes sa apa.




Ito ay nakuhanan sa Aivee Clinic ni Dr. Z Teo na inupload niya sa Instagram.
Ayon kay Dr. Teo:
When @therealangellocsin took over the #AiveeIceCream booth She is one of the nicest, most down to earth celebrity personality you will ever meet Imagine the shock of our #aiveeleaguers when she started scooping and serving them our Aivee Ice Cream Just another happy & fun day,”


Sa video ay matutuwang pagmasdan ang pagsandok niya ng ice cream. Nakaka-aliw tignan na hindi siya ganoon kasanay maglagay ng ice cream sa apa. Gayon pa man, pinilit niyang maging maayos ang itsura ng pagkakalagay ng ice cream. Nag-aalok na rin siya sa mga dumadaan kung may gusto. Mayroon din humiling sa kanyang magpakuha ng litrato.



Kung katulad ba naman ni Angel Locsin ang magtitinda ng Ice Cream malamang ay dudumugin na ito ng maraming tao. Siguradong ubos ang tinda.

Ito ang ilan sa mga naging komento sa post:
“The Generals daughter Miss Angel Locsin the most beatiful woman in the show business i love you idol”


“Nagwawalis pa nga Yan pagkatapos ng mall show nya eh..Yan Ang dag LAN kung bakit idol na idol ko Sha..”



“Super bait tlaqa nian..I’m really fun of you angel..love na love ko xa..di kase xa maarte unlike sa iba ng artists..in front of cam or backstage pa..”




error: Content is protected !!