Kilalanin ang kabigha-bighaning Mayor ng Sultan Kudarat na si Mayor Princess Rihan Mangudadatu Sakaluran!



Tayo bilang mga Pilipino ay madalas na namamangha sa mga dayuhang nagtataglay ng maputi at mala-porselanang balat, mala-diyosang kagandahan at balingkinitang katawan. Kung kaya naman hindi nakaligtas sa mga mata ng publiko ang batang-bata at kabigha-bighaning Mayora ng Sultan Kudarat. Siya ay si Mayor Bai Rihan Sakaluran. Siya ang tinaguriang Magandang Mayora ng Munisipalidad ng Lutayan, Sultan Kudarat.




Maituturing na second class municipality ang munisipalidad ng Lutayan sa probinsiya ng Sultan Kudarat na pinamumunuan ng magandang mayora na si Mayor Bai Rihan Sakaluran. Bukod sa angkin niyang kagandahan ay talaga namang nakakamangha din ang kaniyang puso at pagmamalasakit sa kaniyang nasasakupan. Maging ang serbisyo publiko na kaniyang ibinibigay sa kaniyang mga mahal na kababayan ay hindi rin naman matatawaran.



Kung maraming mga tao ang nagsasabing madali ang pagbibigay serbisyo sa publiko, marami din naman ang magpapatotoong hindi ito madaling trabaho o madaling gawin. Hindi biro ang pagsilbihan ang iyong komunidad kasabay ng pagpapabuti ng kalagayan nito at laging pag-alalay sa mga pangangailangan nito. Bukod sa oras at panahon na ibinibigay ng mga opisyal na ito ay hindi rin nila inaalintana ang hirap, pagod at maging ang kanilang mga sarili magawa lamang ang dapat nilang gawin para sa kanilang nasasakupan. Kadalasan ding makikita sa kaniyang sariling social media account ang mga larawan niya kasama ang mga bata at matatanda na kaniyang tinutulungan.



Ang 28-taong gulang na Mayor na ito ay talaga namang huwaran at inspirasyon sa maraming mga Pilipino. Tunay ngang wala sa edad ang kagustuhang makatulong sa marami at maghandog ng serbisyo-publiko sa mga nangangailangan.




error: Content is protected !!