Magkasintahan sa Iloilo nag mayroong agwat na 45 taon sa kanilang edad nagpakasal sa Iloilo!



Saan o paano nga ba masusukat ang tunay na kahulugan ng pagmamahal? Ito ba ay sa tagal ng inyong pinagsamahan? Sa mga pagsubok na inyong napagtagumpayan? Sa inyong estado sa buhay, kasarian o kaya naman ay sa edad? Tunay ngang madalas nating naririnig ang mga kasabihang bulag ang pag-ibig. Hindi mo makikita ang mga bagay na ayaw mong makita sa taong mahal mo, anuman ang kaniyang kamalian ay agaran mo itong maiintindihan at mauunawaan.



Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang kwento ng pag-ibig ng dalawang tao na ito. Mahigit na apat na dekada ang agwat ni Ricardo, 74 taong gulang sa kaniyang kasintahang si Glaiza na 29 taong gulang lamang. Sila ay live-in couple ma lumahok sa kasalang-bayan sa Iloilo.


Ayon sa ulat ni Susan Enriquez sa “Balita Pilipinas Ngayon” noong nakaraang Biyernes ika-22 ng Pebrero taong 2019, ibinahagi ni ni Glaiza na 15-taong gulang pa lamang siya ay napamahal na siya kay Ricardo sa unang pagkikita nila o ang tinatawag ng marami na “love at first sight”. Ngunit si Ricardo ay mayroong asawa noon at walong mga anak.


Saad pa ni Glaiza,”Pagkakita ko sa kanya, parang hindi na ako nagkagusto pa sa ibang lalaki. Parang siya lang talaga hanggang sa nagsama kami.”



Sumakabilang-buhay ang misis ni Ricardo noong 1994 na talaga namang nakapagpalungkot sa kaniya. Dahil na rin sa kalungkutan ay agad namang nakagaanan ng loob ni Ricardo si Glaiza. Si Glaiza ang tagakuha ng kaning baboy sa kanilang bahay. Niligiwan nga ni Ricardo si Glaiza at hindi nagtagal ay naging magkasintahan na sila. Ang kanilang pagmamahala ay nagbunga ng tatlong mga anak.

Ika-22 ng Pebrero 2019 nga ng sila ay magpakasala na sa isang kasalang-bayan sa Iloilo. Ayon naman sa isang survey ng Social Weather Station o SWS 41 bahagdan ng mga Pilipino ang sumasang-ayon at naniniwalang hindi importante ang edad sa isang relasyon. Kadalasan din itong tinatawag na “May-December Love Affair”.




error: Content is protected !!