Nagbigay-pugay ang abogadang ito sa isang magtataho na naging parte ng kaniyang tagumpay sa pag-aaral!



Isang abogada ang naging usap-usapan sa social media kamakailan lamang dahil sa nakakaantig na mensahe nito sa kaniyang tatay-tatayan na isang magtataho. Ayon sa kwento ni Atty. Alex Castro, baguhan pa lamang siya sa UP noon, isang freshman at sa tuwing papasok siya sa kaniyang klase ay palagian niyang nakikita si Tatay Dong. Alas-siyete pa lamang ng umaga ay nagkikita at nagkakausap na sila habang nagtataho ang estudyanteng si Alex. Dahil sa madalas silang nagkakausap ng matanda ay napag-alaman nitong madalas na pumapasok siya sa eskwela ng walang laman ang tiyan. Kung kaya naman hindi nagmimintis si Tatay Dong na hintayin siya tuwing umaga at bigyan ng taho sa loob ng apat na taon habang tinatapos niya ang kaniyang “undergrad degree”.


Isang tunay na anak nga ang turing sa kaniya ni Tatay Dong dahil sa pagprotekta at pagmamalasakit nito sa kaniya. Nagkaroon din siya ng karanasan noong Disyembre 2009, isang araw na umuulan kung saan pumasok siya ng eskwela ng walang jacket. Labis na nag-alala ang matanda kung kaya naman kinabukasan ay inabutan siya ni Tatay Dong ng package na naglalaman pala ng kaniyang jacket at siyempre may kasama rin itong taho.
Nang buksan niya ito ay nakita niya ang jacket ng matanda, ang katangi-tangi at nag-iisa niyang jacket. Nais mang isauli ng batang si Alex ang jacket ay hindi ito kinuha ni Tatay Dong. Sabi pa nito sa kaniya, “Nilaban ko na yan ‘nak. Iyo na yan.”




Talaga namang nakakataba ng puso na mayroong mga taong tumutulong ng walang hinihintay na kapalit kahit pa ang ibibigay nilang tulong ay ang katangi-tanging bagay na mayroon sila. Kung kaya naman hindi rin nakalimot si Atty. Alex at niregaluhan niya din ng jacket ang kaniyang Tatay Dong. Nang muli silang magkita ng tinuring niyang ama, ang nasambit niya na lamang ay “Tay, may abogado ka na!”.

Tunay ngang hindi naman kailangan na maging kadugo o ng kahit ano pang titulo upang masabing pamilya mo ang isang tao. Dahil kahit hindi man kayo magkadugo ngunit ang iyong pagmamalasakit at pagprotekta ay higit pa sa isang tunay na kapamilya, tunay ngang ikaw ay pinagpalang lubos upang magkaroon ng espesyal na tao sa iyong buhay.





error: Content is protected !!