Pilotong natutulog habang nasa ere nasuspinde kasama ang kaniyang co-pilot!



Ano kaya ang iyong mararamdaman kapag nalaman mong ang piloto na nagmamaneho o nagpapaandar ng sinasakyan ninyong eroplano ay nahuling tulog sa kalagitnaan ng inyong paglipad sa ere?


Isang senior pilot ang nahuling natutulog sa Boeing 747 na kaniyang minamaneho, at dahil dito siya ay nasuspinde. Ngunit nagkaproblema din ang kaniyang co-pilot na kumuha ng kaniya video at nag-upload nito sa social media imbes na gisingin ang natutulog na piloto!



China Airlines, pinakamalaking carrier ng Taiwan ay nagpabatid na nasuspinde na nila ang senior pilot na si Weng Jiaqi na naging usap-usapan ang video na kumalat sa buong mundo. Sa nasabing viral na video, makikitang nakayuko at nakasuot pa ng headset ang piloto kasabay ng paghilik nito. Hindi pa malinaw kung matagal nang natutulog ang piloto bago pa siya kuhanan ng kaniyang co-pilot. Wala rin naman detalye patungkol sa kung kailan nakuhanan ang nasabing video o kung anong flight o biyahe ang eroplanong kaniyang minamaneho. Agad namang pinabulaanan ng airline company ang agarang aksyon na ginawa nila sa dalawang piloto dahil sa kapabayaan ng mga ito. Sa ngayon ay wala pang ulat o anunsyo kung tuluyan nang tatanggalin ang mga ito sa kanilang serbisyo.


Saad pa ng kompanya, dapat na mas alam ni Jiaqi ang maaaring maidulot ng kaniyang kapabayaan lalo at natutulog siya sa kalagitnaan ng kanilang biyahe. Laking panghihinayang at pagkadismaya ang nararamdaman ng marami dahil sa insidenteng ito dahil sa hindi lamang siya isang senior pilot na may 20 taong serbisyo kung hindi siya ay nagsasanay din at nangangasiwa sa mga magiging piloto.






Marami din namang mga netizen ang nagbigay ng kani-kanilang opinyon patungkol sa nangyari. May ilang nagsabi na marahil ay pagod siya kung kaya hindi na niya napigilan pang makatulog. Dapat sana ay natulog na lamang muna siya at hindi na nagmaneho pa ng isang malaking sasakyan tulad ng eroplano.





error: Content is protected !!