Isang Facebook user ang nagbahagi ng kaniyang saloobin tungkol sa isang netizen na nagpost ng larawan ng mga nakasando sa isang coffee shop!



Maraming nagsasabi na ang kasuotan ng isang tao ang nagiging batayan ng ilan para sila ay husgahan. Pananamit o kasuotan ang nagiging basehan ng iilan sa paghusga sa mga tao. Kasuotan din naman ang nagiging basehan ng ilang mga tao upang malaman ang ating gagawin o kaya naman ay ang ating pupuntahan. Ngunit kung tutuusin ay ikaw naman din talaga ang magdedesiyon patungkol sa kung ano ang nais mong suotin subalit mayroon din talagang ilang mga tao na tila naoffend sa kasuotan o pananamit ng isang tao. Bakit kaya?


Isang netizen na nagngangalang Jhong Garcia ang nagbahagi ng nabasa niyang post sa isang social media platform patungkol sa pagkayamot ng isa pang netizen na itinago niya ang pagkakakilanlan sa mga taong diumano ay hindi “raw” maayos manamit. Ayon pa sa ibinahaging larawan o screenshot ni Jhong sa kaniyang social media account, nais nang netizen na ito na ipa-ban o tuluyan nang ipagbawal ang pagsusuot ng sando, short o tsinelas sa mga pampublikong lugar. Dagdag pa ng hindi pinangalanang netizen, okay lang naman na panget ka o kaya naman ay nanggigitata sa loob ng iyong sariling tahanan hanggat gusto mo ngunit hindi sa mga pampublikong lugar. Lalo na diumano kung ang iba pang kumakain dito ay mawawalan ng gana. Kung marami nga raw ang nakakabili ng mga cellphone ngayon bakit hindi makapagsuot ng desenteng damit sa mga pampublikong lugar? Marahil daw ay mas mainam na talagang maging batas ito upang kahit papaano ay matututo ang ilang Pilipino sa kagandahang-loob sa ibang tao.




Ayon naman kay Jhong Garcia, ang paraan mo ng pananamit sa publiko ay hindi naman dapat pa maging malaking usapin at hindi rin naman tayo kinakailangang maging garbo kung gusto lang naman natin lumabas ng bahay o kaya naman ay magkape.




error: Content is protected !!