Isang “Grocery Boquet” ang regalo ng isang lalaki sa kanyang kasintahan noong Valentine’s Day



Para sa mga nagmamahalan, isang paraan ang pagbibigay ng regalo kung may mga mahahalagang okasyon ang dumarating. Karaniwan sa mga okasyong ito ay mga anibersaryo, kaarawan, pasko, at araw ng mga puso. Sa pagbibigay ng regalo ay napapa-ramdam mo sa iyong minamahal ang kahalagahan niya sa iyo. Sabi nga nila, hindi naman ang regalo ang mahalaga kung hindi iyong pag-alala.


Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay may pera. Dumarating sa punto na wala ka talagang mai-bigay dahil walang pambili. Kung iisipin maige, hindi mo naman kailangan bumili ng mamahalin upang mapatunayan ang pagmamahal mo sa kanya. Ang kailangan mo lang ay maging malikhain, paganahin ang imahinasyon, at gawing kakaiba ang regalo.



Isipin mo na lang kung ano ang pwedeng iregalo na siguradong maaalala niya. Katulad na lamang ng isang lalaki na ito na may kakaibang regalo sa araw ng puso. Sa isang artikulo sa When in Manila, isang lalaking nagngangalang Vince Lubugin ang nagbigay ng isang kakaibang regalo sa kanyan nobya na ang pangalan ay Mikee. Isang Boquet na naglalaman ng grocery.

Ayon kay Vince, naisip niya ang regalong ito dahil gusto niyang maging memorable ang bawat nireregalo niya sa kanyang kasintahan. Ang mga grocery na naka-lagay sa boquet ay siguradong magagamit ng kasintahan araw-araw.


Tinawag niya ang kanyang regalo na “grocery boquet”. Ito na siguro ang pinaka-praktikal na regalo ngayong taon. Kung iisipin nga naman, kapag bulaklak malalanta lang. Pero kapag mga grocery ang ibinigay siguradong magagamit pa. Nakaka-aliw tignan ang boquet dahil sadyang makulay ang mga nakalagay. Hindi lamang mga pagkain ang nakalagay dito pati sabon at toothpaste ay mayroon din.


Marahil ay paborito ni Mikee ang mga pagkaing nakalagay dito katulad na lamang ng mga tsokolate at biskwit. Siguradong may panulak din dahil may mga kape at tsokolateng inumin. Isang magandang diskarte ang ginawa mo Vince. Saludo ang maraming mga lalaki sa ginawa mo. Pero tandaan din na hindi masamang magbigay ng bulaklak dahil marami pa ring babae ang kinikilig dito. Gamitan mo lang ng pagiging malikhain upang ang regalong ibibigay ay siguradong magugustuhan.





error: Content is protected !!