Nakita si Manny Pacquiao na bumili ng Isda at pagkatapos ay sumakay ng tricycle



Sabi nila kapag naging mayaman ang isang tao magbabago na ang kanyang ugali. Marahil sa iba ay totoo, pero hindi para sa Pambansang Kamao! Sino pa bang Pinoy ang hindi nakaka-kilala kay Manny Pacquiao? Marami ang humahanga sa kanya hindi lamang sa galing niya sa boxing pati na rin sa mga narating niya sa buhay.


Hindi lingid sa ating kaalaman na nanggaling siya sa mahirap na buhay. Naging malaking pagbabago sa takbo ng buhay niya ng siya ay naging sikat sa buong mundo dahil sa kanyang mga panalo. Ang nakaka-bilib pa sa kanya ay kahit na siya ay yumaman, hindi pa rin siya nakaka-limot sa kanyang pinang-galingan. Marami ng tao ang natulungan niya sa kanyang natamong mga pagpapala. May mga nabigyan na rin siya ng mga bahay na mga taong nangangailangan.




At sa kagustuhan pa niyang mas makatulong sa bansa ay minabuti niyang maging isa sa senador ng ating bansa. Pero kahit na ang kayamanan niya ay nag-uumapaw, nananatili pa rin siyang mapag-kumbaba. Upang mapatunayan ito, isang video ang nakuhanan sa isang palengke sa Saranggani.


Natuwa ang maraming Pilipino sa pagka-panalo niya kamakailan sa laban niya kay Adrien Broner, at siguradong malaking pera din ang nai-uwi ng Pambansang Kamao. Pero kahit na isa siyang mayaman ngayon, hindi mo makikita sa kanya ang kayabangan.



Nakuhanan siya ng Video kung saan ay siya ay bumili ng isda sa may palengke sa Saranggani. Natuwa ang mga taong naka-paligid at ang iba ay pinagmamasdan siya. Naka-suot lamang ng pambahay si Manny Pacquiao at makikitang tuwang-tuwa ang tindera. Malamang ay sinobrahan ang bayad sa biniling isda. May nagpa-kuha ng litrato sa kanyang mag-ina at pinaunlakan niya ito. Pagkatapos nilang mamili ay sila ay bumalik na sa Wild Card Gym at matutuwa ka dahil hindi kotse ang sinakyan niya. Siya ay sumakay sa Tricycle. Tunay na hindi ka nag-bago Kuya Manny. Isa kang tao na mapag-kumbaba at matulungin sa iyong kapwa. Mabuhay ka!




error: Content is protected !!