Napahanga ng mga netizen ang mga batang ito na nagbebenta ng kaniyang mga ginuhit sa halagang P1 hanggang P5!



Naranasan mo na bang mamili sa palengke o pumunta sa pampublikong lugar kung saan makakasalubong ka ng mga batang lansangan o kaya ay pulubi na bigla bigla na lamang kakalabit at manghingi ng pera o kaya naman ay pagkain. Kung maraming mga tao ang nagbibigay sa kanila, marami din namang mga natatakot o kaya naman ay naiirita sa mga batang ito. Marahil ay dahil ito sa mangilan-ngilan na mga insidente patungkol sa mga taong kalye na nagnanakaw ng gamit ng ibang tao.


Kamakailan laman ay naging usap-usapan sa social media ang mga kabataang ito sa Calbayog, Samar dahil sa imbes na mamalimos o manghingi ng pera sa lansangan ay nagbebenta na lamang sila ng kanilang mga iginuhit mula piso hanggang limang piso. Bagamat hindi man ganoon karangya o kagarbo ng kanilang mga likha ay talaga namang hahangaan mo ang mga batang ito.




Sa maliit na halagang piso hanggang limang piso hindi ka naman siguro magtataka sa ganda o maging sa kalidad ng mga likha ng mga batang ito. Gamit lamang ang mga piraso ng karton ay gumuguhit ang mga batang ito, kinukuluyan at ginagawang “art gallery” ang bangketa para sa mga parokyanong dumaraan.


Dahil sa pinamalas na kasipagan at kahusayan ng mga batang ito ay hindi na nakapagtatakang maraming mga netizen ang nagnanais din makabili ng kanilang mga malikhaing gawa.



Ngunit dahil na rin sa layo ng lugar ng mga batang ito kahit pa naisin ng maraming tao ang makabili ng kanilang mga gawa. Talaga namang kahanga-hanga ang mga batang ito na sa murang edad pa lamang ay ninanais nang makatulong sa kanilang mga magulang.




error: Content is protected !!