Tinulungan at hinatid mismo ni Raffy Tulfo ang isang OFW na hindi maka-uwi sa Davao



Marami sa ating kababayan ang natutulungan ng mga ilang programa sa telebisyon at radyo. Katulad na lamang ng mga programa ni Raffy Tulfo. Minsan kapag may mga problema ay madalas na naiisip ay humingi ng tulong sa kanya. Pero sino nga ba si Raffy Tulfo?


Si Raffy Tulfo ay pinanganak noong Marso 11, 1960 at may edad na 58. Tinatawag siya sa mga palayaw na Action Man, Idol Raffy, at Paeng. Nakilala at naging tanyag siya sa mga Pilipino dahil sa tapang at pagiging matulungin niya sa taong bayan. Ang mga palabas niya ay hindi lamang sa mga Pinoy pati na rin sa mga dayuhang pumupunta sa ating bansa.




Kamakailan lang ay may tinulungan si Raffy Tulfo na isang Pinay na OFW. Si Ajelou Masayao na isang OFW na pinabalik sa bansa na hindi man lang nabigyan ng sweldo ng amo niya sa Dammam, Saudi Arabia. Si Ajelou ay isang single mom sa kanyang isang anak na lalaki. Sa kagustuhang mabigyan ng magandang kinabukasan ay minabuti niyang magtrabaho sa ibang bansa. Sa kasamaang palad ay pinauwi kaagad si Ajelou at tanging plane ticket lamang ang binigay sa kanya.


Dahil sa kamahalan ng pamasahe pauwi sa Davao, minabuti niyang humingi ng tulong kay Raffy Tulfo. Si Ajelou ay naka-tira sa Sitio Mapula, Brgy. Cabuaya, Mati, Davao Oriental. Hindi nagkamali ng pinuntahan si Ajelou, hindi lamang siya tinulungan ni Raffy Tulfo, inihatid pa mismo siya nito sa Davao. Bukod pa sa paghatid, nagbigay pa ng surpresa si Raffy para sa pamilya ni Ajelou. Kaya naman ay may pasalubong sila na cellphone, school supplies, sapatos, at mga damit para sa anak ni Ajelou na magtatapos ng elementarya.





Binigyan din ng pagkaka-kitaan si Ajelou upang hindi na muling iwanan ang anak upang maging OFW. Sa paraang ito ay matututukan na ng pag-aalaga ang anak. Isang mabuti at matulungin na tao ka talaga Idol Raffy, sana ay hindi ka mag-sawa na tumulong sa mga nangangailangan.






error: Content is protected !!