Isang malikhaing pamilya ang hinangaan ng marami dahil sa ginawa nilang playroom ang kanilang kisame, at talaga namang kamangha-mangha ang transpormasyon nito!



Kung ikaw ay naninirahan sa maliit na bahay, kadalasang ang pag-aayos ng mga kagamitan ang ginagawa upang kahit papaano ay makaluwag-luwag sa espasyo ng tahanan. Ngunit ang pagdaragdag pa ng isang silid o kwarto ay hindi na magiging posible dahil sa labis na espasyong kakainin nito.


Ang pamilyang ito, bukod sa pagsasaayos ng mga kagamitan ay nakaisip pa ng mas mainam na paraan nang sila ay napatingala. Si Angie at ang kaniyang pamilya ay kinailangan na talaga ng silid o kwarto para sa “work space” at “playroom” ng mga bata. Ngunit ang malaking problema ay dalawa lamang ang silid sa kanilang tahanan at lahat ng ito ay okupado na!




Bigla na lamang nilang naisip na gumawa ng isa pang silid sa itaas na bahagi ng kanilang bahay o sa bandang kisame. Pinagtrabahuhan na nga agad ng kaniyang asawa at byenan ang nasabing silid. Inumpisahan nila ang sahig nito at pagkatapos ay mga rehas upang masiguradong ligtas ang kanilang mga anak. Nagdagdag din si Angie ng kabinet, istante ng libro, working desk para sa kompyuter at printer ay ilang mga laruan at dekorasyon upang mas maging maganda ang bago nilang silid-palaruan.



Tunay ngang kamangha-mangha ang kinalabasan ng napakaganda at napakahusay na ideya ni Angie at ng kaniyang pamilya. Isang magandang inspirasyon lalo na sa mga mayroong tahanan na hindi naman kalakihan ang espasyo. Kung kayo ay nangangailangan ng kakaiba at karagdagan pang espasyo, silid o kwarto sa inyong tahanan malaking tulong ang ideyang ito ni Angie lalo na kung mayroon din kayong mga chikiting!





error: Content is protected !!