Itinago nang lolo na ito ang larawan ng kaniyang limang taon gulang na apo at makalipas ang 15 taon ay naipakita pa niya ito sa kanilang reunion!



Isang netizen na nagngangalang Gianne Pineda ang muling nakita at nakasama ang kaniyang lolo makalipas ang 15 taon nang hindi pagkikita. Laking gulat na lamang niya ng ipakita sa kaniya ng lolo niya ang pinakatatago nitong larawan niya sa kaniyang wallet noong 5 taong gulang pa lamang siya! Sa kaniyang social media post, nagbahagi ng larawan ng kaniyang mahal na lolo si Gianne habang tangan-tangan ang kaniyang pitaka ba may larawan niya noong siya ay bata pa lamang.


Ang cute na batang ito ay halos sakupin na nga at takpan ang larawan mismo ng kaniyang lolo ngunit hindi ito alintana ng matanda dahil sa ang batang nasa larawan ay ang paborito niyang apo! At halata ngang paborito siya ng kaniyang lolo dahil ang larawan niya mismo ang talagang mapapansin mo sa pitaka nito. Wala siyang pakialam kahit pa matabunan o matakpan man ang iba niyang mga larawan.




Sa ikalawang larawan naman na ibinahagi ni Gianne sa kaniyang social media ay ang kasalukuyang larawan na niya kasama ang kaniyang mahal na lolo. Bakas na bakas ang galak at saya ni lolo kasama ang pinakamamahal na apo.


Marami din namang mga netizen ang nagkomento na marapat nang palitan ni Lolo ng bago nilang larawan ang lumang litrato ng kaniyang apo ngunit marami din naman ang nagsasabing mas okay nang hayaan na lamang ang larawan doon at wag nang palitan. Ngunit ang ilang netizen ay mayroon ding suhestyon sa lolo na gawing “collage” ang larawan ng apo noon at ngayon. Mas cute ‘di ba? Dahil sa dami na nga ng taga-suporta ay nagpasalamat din ang matanda sa maraming mga Pilipinong naging dahilan ng kaniyang pagsikat sa social media. Tunay ngang iba ang ating mga lolo at lola!