Ito ang Video ni Richard Gomez, magpapakita ng kanyang simpleng buhay sa probinsya



Marami sa mga sikat na artista ay pumapasok din sa pulitika. Marahil isa rin itong paraan upang makatulong sila sa taong bayan. Isa na sa mga kilalang artista na naging isang politiko ay si Richard Gomez. Si Richard Frank Icasiano Gomez na mas kilalang Richard Gomez ay ipinanganak noong ika-7 ng Abril taong 1966. Kilala sa pangalan na Goma, ang sikat na artistang ito ay isa ring atleta, modelo, direktor, at politiko.


Isang magaling na aktor si Richard Gomez at sa kasalukuyan ay makikita pa rin siya sa ABS-CBN. Noong 90’s ay isa siya sa pinaka-sikat na leading man sa maraming mga pelikula kaya naman ay marami din siyang mga naging taga-hanga. Taong 1998 ay ikinasal siya kay Lucy Torres at ang anak nila ay si Juliana Gomez. Kasalukuyan ay si Richard Gomez ang mayor ng Ormoc City.




Pero alam niyo ba na kahit malayo na ang narating ni Richard Gomez ay namumuhay siya ng payak sa probinsya. Muling nagbahagi si Goma ng video sa social media patungkol sa pamumuhay nila sa probinsya. Sa video ay makikitang nagpapakain siya ng mga alaga niyang hayop katulad na lamang ng mga pabo, gansa, at manok. Sa tulong ng kanyang assistant ay maayos niyang napapalaki ang mga alagang hayop.

Gamit ang salitang bisaya at ingles, ito ang sinabi niya sa kanyang Instagram:
“While at home today. Lipay akong mga bisayang manok. Pabo ug gangsa. Akong kinabuhi sa probinsya,”

Hindi lamang si Goma ang mapagmahal sa hayop pati rin ang kanyang asawa na si Lucy Torres. Sa katunayan ay nagsabi si Lucy na dagdagan pa ang mga hayop at lagyan din ng aso para may maging bantay para sa kanilang anak.




Nakaka-tuwang isipin na kahit mayaman na si Richard Gomez ay hands-on pa rin siya sa mga ganitong gawain. Iba pa rin talaga ang ligayang dulot sa tao kapag alam mo kung ano ang magpapasaya sayo.





error: Content is protected !!