Kilalanin ang kapatid ni Julia Barreto na si Dani Barreto, anak ni Marjorie Barreto at Kier Legaspi!



Ang pagkakaroon ng anak ay isa sa pinakamagandang pangyayari sa buhay ng isang babae. Tunay ngang hindi matatawaran ang ligaya at sayang naidudulot nito hindi lamang sa kaniyang mga magulang kundi sa buong pamilya mismo. Kung kaya naman ang isa sa mga anak ni Marjorie Barreto ay isa sa mga taong inspirasyon niya ngayon. Si Daniella o Dani ay anak ni Marjorie sa kaniyang kasintahan noon na si Kier Legaspi.




Siya ay ipinanganak noong ika-20 ng Oktubre, 1993. Aakalain mo bang 14 anyos pa lamang siya ay nakakitaan na siya ng interes at hilig sa fashion ng kaniyang ina na si Marjorie?


Kahit na hindi siya pumasok sa industriya ng show business na kinabibilangan ng kaniyang mga magulang, nakilala naman siya sa mundo ng social media bilang fashion at lifestyle blogger. Mayroon siyang YouTube channel na sa kasalukuyan ay mayroon nang 106,787 na tagasubaybay. Makikita din sa kaniyang social media account ang hilig niya sa pagbibiyahe dahil sa mayroon din siyang 490,000 na mga tagasubaybay dito. Kadalasan niyang kasama sa mga biyaheng ito ang kaniyang mga kapatid na si Claudia at Julia. Naging matalik na rin niyang kaibigan sina Bella Padilla at Yassi Pressman na kapwa artista.



Kamakailan lamang ay pinag-usapan ang wedding proposal sa kaniya ng nobyong si Xavi Panlilio na isang DJ. Nangyari ito sa isang studio kung saan di umano ay may interview si Dani sa Spring Films na dinaluhan din naman ng kaniyang mga mahal sa buhay. Marami din naman ang bumati sa kaniya sa napakagandang kaganapan na ito sa kaniyang buhay.




error: Content is protected !!