Mabighani sa kagandahan ng isang Pinay Nurse na isa ring modelo



Lahat ng tao ay magkaka-iba. Hindi man pare-pareho ang itsura, pero lahat ay may angking kagandahan. Pero ang iba ay sadyang isinilang na pinag-pala na may magandang pisikal na itsura. At ang pagkakaroon ng magandang itsura ay isang biyaya dahil pwede itong gamitin sa kabuhayan.


Karaniwan sa mga nagtataglay ng kagwapuhan o kagandahan ay minamabuting maging artista. Pero hindi lahat ng maganda ay nagiging artista, ang iba ay nagiging Nurse. Kaya naman kilalanin natin ang isang Nurse na hinahangaan ngayon sa social media. Si Steph Baldonado ay isang nurse na sumikat pagkatapos mag-viral ang kanyang mga larawan na post ng isang facebook page ang Ideal Girl.




Isang graduate ng Bachelor of Science in Respiratory Therapy si Steph sa Emilio Aguinaldo College. Pero dahil sa angking kagandahan ay pinasok na rin niya ang pagmomodelo. Napabilang na rin siya sa mga sikat na magazine na FHM at Candy.


Sino ba naman ang hindi magagandahan kay Steph, bukod sa maputi ang dalaga ay may mala-anghel pa siyang itsura. Sa katunayan ay may mga gustong kumuha sa kanya bilang endorser ilan na dito ay IWhite Korea, Skin White, Skin Perfection, Pamper Your Feet Spa, Jeans, Monster Energy, at BNY.



Ilan pa sa mga pinagkaka-abalahan niya ay ang pagmodelo sa mga car shows. Napabilang din siya sa isang music video ng Ex Batallion na may pamagat na “Bootyful”. Kahit na sobra pang busy niya sa mga pinupuntahan niya, nakakapag VJ pa siya sa Chums Live.


Sa ganitong edad ay nagsisimula na ang kanyang pagiging sikat. Maaaring pagdating ng araw ay makita na natin siya sa Telebisyon o sa mga commercials. Hindi malayo ito dahil artistahin ang kanyang itsura. Kumbaga ay kumpleto rekados na siya. Sa kasalukuyan ay may 133,465 followers siya sa kanyang Facebook. At kung nais niyo pang mabighani sa kanyang kagandahan at subaybayan ang mga kaganapan ng kanyang buhay, silipin at i-follow ang kanyang mga social media accounts





error: Content is protected !!