Si Ronald McDonald kumain ng produkto ng Mcdo sa loob ng Jollibee store!



Si Ronald McDonald ay isang sikat na sikat na mascot ng kilalang fast food chain na Jollibee. Jollibee ay isang fast-food chain na talaga namang tatak na ng bawat Pilipino at tunay na karibal din naman ng McDonald’s lalo na sa usaping customer. Isang lalaki na nagbalat-kayo bilang isang Ronald McDonald ang naging usap-usapan sa social media dahil sa pumasok siya sa isang Jollibee store, at kumain ng mga produkto ng Mcdo.



Ang nasabing video ay ginawa at ibinahagi sa social media ng “Tukomi”. Sila ay madalas na gumagawa ng mga prank na nirerequest ng kanilang mga taga-subaybay. At kamakailan nga lamang ay pinagbigyan nila ang request ng isang mamumubaybay na gumawa ng isang video patungkol dito. Sa panglabas pa lamang na kaanyuan ay talaga namang mapupukaw niya ang iyong atensyon. Pagpasok pa lamang ng mascot sa pintuan ng isang Jollibee ay sinundan na siya ng tingin ng gwardiya, mga crew at ng mga customer.


Nang siya ay makaupo na sa isang lamesa ay mas ikinagulat pa ng marami ang susunid niyang gagawin dahil sa naglabas siya ng mga produkto ng Mcdonald’s at saka ito kinain. Maya-maya naman ay napagpasyahan din ng mascot na bumili sa Jollibee ng isang “Jolly Hotdog” na tila hindi pa niya mabigkas ang mga salita dahil siya nga ay si Ronald.


Magiliw at masaya din naman siyang pinagsilbihan ng mga staff, mga crew at manager ng nasabing establiyemento. Ang nakakatawa pa rito ay ang paggamit ng banyo ng nasabing bisita. Dahil kaya ito sa dami ng kaniyang kinain at ininom?



Talaga namang kamangha-mangha ang mga ganitong uri ng katatawanan. Hindi araw-araw ay makakakita ka ng ganitong prank at talaga namang nakakabawas ito ng problema at nakakagalak ng puso ang tumawa lang ng tumawa habang pinapanuod ito.




error: Content is protected !!