Silipin ang mga nakakabighaning larawan nina Anne Curtis, Angel Locsin, at Marian Rivera!



Maraming mga tao ang natutuwang tumingin at magkumpara ng mga lumang larawan at bagong litrato. Tila ba mayroon tayong kwento na natutuklasan sa tuwing makikita natin ang mga larawan na ito. Sa katunayan, mayroon ngang mga usong challenge sa social media tulad ng “before and after” o kaya naman ay “then and now” kung saan magbabahagi sila ng kanilang mga luma at bagong larawan upang maikumpara ang itsura nila noon at ngayon.

Sa Facebook group ng “Memories of Old Manila”, isang collage ng mga “then and now” na larawan ng ilang sikat na artista ang kanilang ibinahagi. Ilan sa mga artistang ito ay sina Anne Curtis, Angel Locsin, at Marian Rivera na ibinahagi ng isa sa kanilang miyembro noong nakaraang Pebrero 10. Nilagyan ito ng caption na, “Anne Curtis, Angel Locsin, and Marian Rivera: Battle of the Cutest Throwback Photos”.



Kapansin-pansin sa collage na talaga namang ang cute nila noong kanilang kabataan at lubhang kabigha-bighani na ang kanilang naging ganda ng sila ay nagsilaki na. Ang tatlong aktres na ito ay ilan lamang sa pinakamahuhusay na artista ng kanilang henerasyon na talaga namang hindi matatawaran ang mga pelikula at programang naiambag sa industriya ng show business. Ngunit sila ay minsan din namang naging mga munting paslit na walang ideya o walang kamuang-muang sa magiging magandang kinabukasan nila.

ANNE CURTIS




Si Anne Curtis Smith-Heussaff ay isang Filipino-Australian na aktres, modelo, tv host, VJ, at recording artist sa Pilipinas. Siya ay unang napanuod sa pelikulang “Magic Kingdom” at gumanap bilang si Prinsesa Dahlia taong 1997. Ang 33-taong gulang na aktres at nakakuha ng una niyang acting award noong 2008 dahil sa kaniyang mahusay na pagganap sa pelikulang “Baler”, naiuwi niya ang Metro Manila Film Festival Award for Best Actress. Napangasawa niya ang mister na si Erwann Heussaff noong Nobyembre 12, 2017. Isa siya sa mga regular na host ng noontime show na “It’s Showtime”. Ilan sa mga bigating pelikula ng aktres ay ang “Aurora”, “Buybust”, “Sid and Aya (Not a Love Story)”, at ang mga programang “Ang Probinsiyano”, “Kailangan Ko’y Ikaw”, at “100 Days To Heaven”.


ANGEL LOCSIN


Si Angel Locsin ay kilala din bilang Angel Locsin Colmenares sa totoong buhay. Siya ay isang kilalang aktres, commercial model, film producer at fashion designer. Nagsimula siya sa kaniyang karera sa ikalawang bahagi ng teen-oriented show na “Click” noong 2002. Taong 2004 nang siya ay mas nakilala pa at sumikat dahil sa mahusay niyang pagganap bilang Alwina sa Mulawin. Siya din ay gumanap bilang Darna taong 2005 kung saan nakapaguwi siya ng maraming mga parangal at pagkilala. Kasalukuyan siyang gumaganap bilang bida ng programang “The General’s Daughter”.

MARIAN RIVERA


Si Marian Rivera ay kilala din bilang si Marian Rivera Gracia-Dantes. Siya ay isang Spanish-Filipino na commercial model at aktres na sumikat at nakilala sa pagganap niya bilang MariMar, Dyesebel, Amaya at Temptation of Wife. Bago pa man siya naging sikat na artista ay naging commercial model na din ang 34-taong gulang aktres noong 2005. Ipinagbubuntis ngayon ni Marian ang ikalawa nilang anak ni Dingdong Dantes. Ipinanganak niya ang panganay nilang anak noong Nobyembre 23, 2015 at pinangalanan nila itong Maria Letizia “Zia” Dantes.




error: Content is protected !!