Siya si Angela Muhlach, ang magandang kapatid na babae ni Niño Muhlach



Sa paghanga ng karamihan sa mga ini-idolong mga artista, karaniwan ay ina-alam din natin kung sino ang mga nagiging kapatid o kamag-anak nila. Sa mundo ng showbiz, karamihan sa mga personalidad na nandito ay magkakapatid o kaya naman ay magkamag-anak. Kung tutuusin, madali na para sa mga may kakilala na sa industriyang ito na makapasok dahil marami ng kakilala.


Katulad na lamang ng mag-pinsan na si Aga Muhlach at si Niño Muhlach na parehas na naging sikat at mga tanyag na mga aktor. Pero alam niyo ba na may kapatid si Niño Muhlach na babae? At magugulat kayo dahil ang ganda pala nito. Si Angela Kristine Muhlach ang magandang kapatid na babae ni Niño Muhlach. Marami ang nanghihinayang sa kagandahan ni Angela na sana ay naging artista. Pero lahat tayo ay may kanya-kanyang kagustuhan.




Isang graduate ng Industrial Engineering si Angela Muhlach sa De La Salle University. Sa kasalukuyan ay siya ay nagtatrabaho sa Uniliver upang gamitin ang natapos. Binanggit din ni Angela sa kanyang Instagram account na siya ang kauna-unahang Engineer sa kanilang pamilya.



Bukod pa sa kanyang natapos, mahilig din siyang mamasyal sa iba’t-ibang lugar. Sa katunayan ay mayroon siyang “bucketlist” kung saan ay naka-sulat lahat ng mga gusto niyang mapuntahan. Makikita sa kanyang Instagram account ang mga napasyalan niyang mga lugar. At tumatayang 10,000 na ang kanyang followers sa kanyang Instagram.



Sa hilig niya mag-travel, siya ay nakarating ng Europe noong taong 2014 kung saan ay dito niya minabuting mag summer. May mga larawan ding nakita na siya ay nag-sky diving sa Amerika noong taong 2015 naman.


Isang mapag-mahal na tao si Angela Muhlach. Kahit na nagiging abala sa trabaho ay pinag-lalaanan niya ng oras ang kanyang pamilya lalong-lalo na ang kanyang ama na si Alexander Muhlach. Inamin ni Angela na isa siyang “Daddy’s Girl” kaya naman todo asikaso at pagmamahal ang ibinibigay niya sa kanyang ama.






error: Content is protected !!