Throwback Pictures na ibinahagi ni Connie Reyes kasama si Vic Sotto at ang lalaking anak nila



Ang pagbabahagi ng mga dating larawan o mas kilala sa tawag na Throwback ay kinagigiliwan ng maraming tao. Dito kasi muling naiisip ang mga alaala na nangyari sa buhay. Hindi lamang mga sikat na artista gumagawa nito pati na rin ang mga simpleng tao.


Kamakailan lang ay nagbahagi si Coney Reyes sa kanyang Social Media account ng kanyang throwback na litrato ng kanyang graduation. Marami ang namangha sa kanyang taglay na kagandahan. At nito lang ay muli siyang nagbahagi ng larawan kung saan ay makikita si Vic Sotto at ang anak nila na si Vico.




Si Constancia Angeline Reyes-Nubla o Coney Reyes ay ipinanganak noong May 27, 1954. Napabilang din siya sa sikat na noontime show na Eat Bulaga. Pero mas naging kilala siya sa palabas na Coney Reyes on Camera. Muli ay nagbahagi si Coney Reyes ng mga Throwback na larawan at marami ang nagulat at namanga sa mga ibang larawan. Ipinakita ni Coney Reyes ang mga larawan katulad ng kasama niya sila Tito, Vic, at Joey. Ilan pa sa mga larawan ay kasama ni Vic ang kanilang anak.







Kung maaalala ay nagkaroon ng usapan patungkol kina Vic at Coney noong taong 90’s na naging daan upang umalis si Coney sa Eat Bulaga. Sa pangangalaga ni Coney ay pinalaki niya ang anak na si Vico. Pero kahit ganito ang nangyari, naging magkaibigan parin silang dalawa. Pangatlong anak si Vico sa mga naging anak ni Vic Sotto. Gayon pa man, hindi pinabayaan ni Vic Sotto ang lahat ng anak. Sa katunayan ay kapag may mga mahahalagang okasyon katulad ng kaarawan, ang lahat ng mga anak niya ay nagpupunta. May ilang mga nagtatanong kung bakit hindi naging artista si Vico katulad ng ilang mga kapatid na sila Danica at Oyo. Ang sinagot ni Coney ay kasalukuyan pa lang naglilingkod si Vico bilang Councilor ng First District sa Pasay. Napaka-halaga ng mag tago ng mga larawan. Balang araw ay sa isang litrato, marami ng kwento ang pwedeng matutunan.





error: Content is protected !!