Isang Amerikano ang niloko ng mga Pinoy na kaniyang tinulungan noon!



Tayong mga Pilipino ay kilala bilang mga maasikaso sa ating mga bisita, Pinoy man o mga dayuhan. Kadalasan pa ngang inilalabas at pinapagamit natin sa ating mga bisita ang mga kagamitang hindi natin madalas na ginagamit sa pang-araw-araw o kahit pa may mga espesyal na okasyon. Sa ating pamilya, basta’t mayroong bisita, ihanda mo na ang iyong sarili dahil sa ang lahat ang pinakatatago ni Nanay ay tiyak na ilalabas na at ihahanda para sa mga bisita.


Tunay ngang ilan lamang ito sa kamangha-manghang katangian ng mga Pilipino. Bukod pa sa pagkakaroon ng bayanihan, at “closed family ties”. Ngunit kamakailan lamang ay ikinabigla ng marami ang ibinahaging post ng isang netizen na nagngangalang Bilogzkie Borromeo ang isang Amerikanong nagpakilala bilang Michael. Gutom na gutom na daw ang kawawang Amerikano kung kaya naman pinakain niya ito. Ayon pa sa dayuhan, pagkatapos niyang tulungan ang ilang mga Pilipino ay iniwan na lamang siya nito at tinraydor siya. Dagdag pa ng netizen hindi alam ng Amerikano ang kaniyang apelyido. Kaawa-awa ang sinapit ng dayuhang ito dito pa man din sa ating bayan na kilala sa pagiging mapagmahal at bukas sa iba’t-ibang uri ng lahi.



Bagamat naging dismayado ang ilan sa mga netizen dahil sa hindi kumpletong detalye ng Amerikano na dapat sana ay kanilang mapuntahan at matulungan man lamang, hindi rin mapigilan ng marami ang sadyang kalungkutan dahil sa kaniyang naging kapalaran dito sa Pilipinas. Nawa ay mahanap niya at masumpungan ang kaniyang mga pamilya kung hindi man dito sa Pilipinas ay ang kaniyang pamilya sa ibang bansa.

Ito ay isang aral para sa ating mga Pilipino na mas maging responsable sa mga desisyong ating ginagawa. Mas marapat na isaalang-alang din naman natin ang kapakanan ng ating kapwa tao, maging ito man ay dayuhan o ating mga kababayan.





error: Content is protected !!