Kilalanin ang 28-taong gulang na “hottest teacher” sa Taiwan!



Kilalanin ang kaakit-akit na tagapagturong ito mula sa Taiwan na kumalat ang mga larawan habang siya ay nagtuturo sa maraming mga social media sites.


Ang magandang guro na ito ay naging isang internet celebrity matapos siyang makuhanan ng larawan nang nakasuot ng “petite black dress” na tinernohan pa ng itim na “ankle boots” habang siya ay nagtuturo sa kaniyang klase. Siya ay nakilala bilang si Cheng Jhia-wen na nag-aaral ng “law” sa Chinese Culture University sa Taipei at nagtuturo ng knowledge-based economy at intellectual property, na itinuturing din na isang “elective program” sa Chien Hsin University of Science and Technology, Taoyuan.




Bukod sa pagiging maganda at matalino ng guro na ito, labis din namang hinahangaan ang kaniyang “minimalist fashion style” na talaga namang kakaiba sa nakasanayan ng marami na ang mga guro ay hindi masyadong kagandahan, nakasalamin ang mga mata, at mahahaba ang mga suot.



Mapapansin din naman sa kaniyang sariling social media account ang kaniyang mga larawan na nagpapakita ng kakaiba at nakakamanghang panlasa sa fashion. Hindi na nakakapagtaka na mayroon siyang mahigit na 100,000 followers sa kaniyang social media account. Ngunit hindi lang pala iyon ang kamangha-mangha sa kaniyang pagkatao dahil sa siya ay isang eksperto din pagdating sa Science and Technology Law. E-Commerce Law, Comparative Law, at International Rule of Law Trends.


Higit pa pala rito ay mayroon din siyang hilig sa musika dahil sa kaya niya ring tumugtog ng piano, at flute. Mayroon din siyang mga video nito sa kaniyang social media account. Kaya naman pala siya ay labis na pinagkakaguluhan ngayon sa social media! Maraming mga netizen ang namamangha sa kaniyang mga talento, sa kaniyang mga hilig, sa kaniyang propesyon, sa kaniyang pananamit at sa kaniyang personalidad.





error: Content is protected !!