Isang batang hahawakan sana ang isang monk jellyfish, buti na lang at napigilan ng ama!



Ngayong nalalapit na ang bakasyon, marami sa atin ang nagpa-plano ng mga lakad katulad na lamang ng pagpunta sa mga magagandang beach resort. Para makasama ang pamilya at makapag-relaks at maka-langoy sa dagat.


Para naman mas maging maingat tayo at mas maging masaya ang napiling bakasyong beach resort, dapat din ay doble pag-iingat natin sa pag-langoy sa dagat lalong-lalo na sa mga nilalang na mapanganib. Karaniwan na panganib sa paglangoy sa dagat ay kapag nakapitan ka ng dikya o jellyfish. Kaya mas mabuti kung maging mapagmasid maige at ingatan ang mga kasamang mga bata upang ang disgrasya ay maiwasan.




Katulad na lamang ng isang bata na muntikan ng hawakan ang isang dikya dahil sa nakaka-aliw na kulay nito. Buti na lamang ay nasa paligid lang ang kanyang ama at mabilis na napigilan. Para kasi sa mga bata, minsan ay akala nilang hindi mapanganib, basta-basta na lang silang humahawak basta naaliw sila.


Kung pagmamasdan maige ang dikya na muntik ng mahawakan, matutuwa ka sa kakaibang kulay na taglay nito. Buti na lang ang ama ng bata ay mabilis na inilayo ang anak sa mapanganib na dikya. Ang dikyang nakita nila ay isang “monk jellyfish” na may lason ito na kayang kumitil ng buhay ng isang tao.


Ang monk jellyfish ay may mga tentacles na umaabot sa 90 cm na ito ang nagsisilbing depensa nila sa kanilang sarili. Upang mailayo ang monk jellyfish, ginamitan ng mahabang kahoy upang mailayo sa lugar na hindi siya makaka-disgrasya ng ibang tao.



Kapag ikaw ay nadali ng kamandag ng ganitong dikya, ikaw ay makakaranas ng kahirapan sa paghinga, mawawalan ng malay, magkakaroon ng pagbilis ng pagtaas ng presyon, at nananakit na katawan. Ayon pa sa mga eksperto, kapag natusok ka ng mga galamay nito maaari ding humina ang baga na magiging dahilan ng pagkamatay. Ang mga klase ng ganitong dikya ay matatagpuan sa Kenting, Taiwan. Kaya para sa mga nagnanais magbakasyon sa mga beach resort, doble ingat lang upang ang disgrasya ay maiwasan.