Mga OFWs na kumain sa nag-yeyelong lugar na walang suot na pantaas na damit

Marami sa ating mga pinoy ang nangangarap na makaranas ng nyebe sa ibang bansa. Karaniwan ito naiisip ng mga Pinoy dahil ang bansang Pilipinas ay isang tropikal na bansa na hindi makakaranas ng ganitong paglamig. Kaya naman ay ninanais o pinapangarap ng iba nating kababayan na manirahan sa mga lugar na may ganitong kalamig na klima.


Pero may isang video na sumisikat patungkol sa mga OFWs na naka-upong kumakain sa niyebe at magugulat ka dahil wala silang suot na pang-itaas na damit. Likas sa mga Pilipino ang pagiging masayahin. Iyan siguro ang pinaka-magandang ugali ng isang pinoy. Kahit na sa dami ng problema ay nakakaka-ngiti pa rin sila at tinatawanan lamang ang problema.


Ang video na nag-viral patungkol sa grupo ng OFW’s na kumakain sa nyebe ay napost sa isang Facebook page na Filipino Portal. Ang pamagat ng video ay “Pinoy Winter”. Makikita sa video ay tuwang-tuwa sila sa kanilang ginagawa. Kung hindi nga naman talaga kilala ang mga pinoy baka mapag-kamalan pa ang mga itong baliw. Pero mga masasayahing tao lang sila na gustong gumawa ng ekpirensya na hindi nila malilimutan. Sa video ay kumakain ang dalawang lalaki sa labas ng bahay na nakaupo sa makapal na niyebe. Ang dalawang nakaupo ay walang pang-itaas na damit at naka shorts lamang. Ang isa naman nilang kaibigan ay naglabas pa ng softdrinks at baso. Ang nakaka-tuwa pa dito ay sinalok na lang ng kamay ang mga durog-durog na yelo sa sahig at nilagay sa baso para maging malamig ang softdrinks. Ano? Nilagyan pa talaga ng yelo?


Di mo rin makikita sa mga lalaking ito na nilalamig sila. Parang normal lang talaga ang pakiramdam nila. Kung ibang tao siguro ay maaaring nanginginig na ito sa lamig. Ang video nila ay umani ng maraming reaksyon. Kung may mga taong natuwa, mayroon ding mga nagaalala sa panganib na dulot nito sa kalusugan. Ikaw, kaya mo rin bang gawin ang trip nila?

PinoyWinter

Winter ka lang, pinoy kami! 👊Join us here sa #1 Tambayan ng mga Pinoy sa Canadahttps://m.facebook.com/groups/133662170677736?ref=share

Posted by Filipino Portal on Tuesday, February 5, 2019



Reply

error: Content is protected !!