Alamin kung ano ang nakakakilig na mensahe ni Arjo Atayde para sa kaarawan ni Maine Mendoza!



Kamakailan lamang ay naging mainit na usap-usapan ng publiko ang totoong relasyon nina Kapuso actress Maine Mendoza at Kapamilya actor na si Arjo Atayde. At kinumpirma na nga ng dalaga na kasalukuyan silang nasa “dating stage” ng aktor.


Marami din naman ang kinilig sa mensahe nito sa Kapuso actress para sa kaniyang kaarawan. Nagbahagi si Arjo ng larawan nila ng Phenomenal Star na si Maine Mendoza sa kaniyang social media account kalakip ng mga katagang “My reason for being. Happy birthday to my main.” At talaga nga namang hindi ito pinalampas ng maraming mga netizen na nagkomento kung gaano sila kakilig sa tambalang ArMaine! Mula nang ibinahagi ang larawang ito ay umani na ito ng higit sa 291,000 na “favorites”.




Maaalalang noong Nobyembre taong 2017 nang maglabas ng open letter ang aktres para sa mga tagasuporta at tagahanga ng AlDub. Dito rin siya naglabas ng kaniyang saloobin patungkol sa sama ng kaniyang loob na kaniyang nadarama. Matapos nito ay namahinga sandali ang aktres malayo sa harap ng kamera. At nang siya nga ay nakapagpahinga na ay muli na siyang sumabak sa pagpapasaya ng mga tao.


At sa ikalawa niyang open letter sa kaniyang personal blog ay muli niyang sinabi ang buong katotohanan patungkol sa tunay nilang relasyon ni Arjo Atayde na kilala rin bilang panganay ng batikang aktres na si Sylvia Sanchez. Nakababatang kapatid din nito ang aktres na si Ria Atayde. Tunay ngang kahit ano pang pagbabanta o pagmumura ng maraming mga tao kay Arjo o sa kaniyang pamilya, wala nang makakahadlang pa sa lumalalim na pakikipag-ugnayan nila sa isa’t-isa. Kung kaya naman marapat na sana na maging masaya na lamang tayong lahat sa kaligayahan ng dalawang taong may sari-sarili din namang mga personal na buhay at hindi lamang umiikot ang mundo sa industriyang kanilang kinabibilangan.





error: Content is protected !!