Isang lalaki ang gumawa ng nakakamanghang bahay sa ilalim ng tulay na naging tirahan niya!



Sa panahon ngayon, mahirap talaga ang wala kang sariling tirahan. Lalo na kung ikaw ay hindi na nag-iisa at mayroon nang pamilya. Napakahalaga ng tahanan para sa pagsisimula ng isang pamilya. Sabi nga nila, ang lahat ng matututunan o natututunan ng ating mga anak ay nagsisimula sa ating tahanan. Kung kaya paano silang matututo ng mga bagay na dapat nilang matutunan kung wala kayong tahanan o tirahan?


Tunay ngang problema ng ating bansa ang mga taong naninirahan sa mga pampublikong lugar, mga taong mas pinipili na lamang na manirahan sa gilid ng kalsada at nakukuntento na lamang na magtayo ng mga barong-barong basta’t may masisilungan lamang. Hindi man nila alintana ang panganib na dulot nito sa kanilang pamilya at mga anak ay tila wala na rin naman silang iba pang pagpipilian.




Kung ang mga barong-barong na ito ay may dalang panganib at polusyon sa ating kapaligiran tila naiiba ang tahanang ito na likha ni Fernando Abellanos. Bagamat hindi siya nakapagtapos ng kahit anong kurso ay talaga namang nakagawa siya ng isang obra maestra na hindi mo aakalaing nasa ilalim pala ng tulay!


Napakaganda ng kaniyang ginawang tahanan na mula lamang sa kaniyang imahinasyon, sa kaniyang karanasan, at sariling pagsisikap. Dagdag pa niya mayroon na siyang karanasan sa paggawa ng ganitong uri ng arkitektura dahil sa pagsama niya sa ilan sa mga kakilala at kaibigan niyang interior designer at arkitekto. Lebre naman ang ipinangalan niya sa obra niyang ito na hindi mo talaga aakalain na sa ilalim ng tulay pala nakatayo. Ang tirahan niyang ito ay maaari ding tambayan o kaya naman ay isang lugar kung saan ka makakapagmuni-muni at makakapag-isip-isip ng mga bagay bagay.



Kung ganito pala kadali ang lumikha ng magagandang mga tahanan sa ating bansa tiyak na hindi na kakailanganin pa ng ilan nating mga kababayan ang magtayo ng delikado at marurupok na barong-barong.





error: Content is protected !!