Businessman na ngayon si Charlie Lozada matapos tulungan ni Raffy Tulfo sa kaniyang programa!



Masarap magkaroon ng kumpletong pamilya. Isa na ito sa pinakamagandang biyaya ng Diyos sa bawat isa sa atin. Kahit anong hirap at pagod pa sa trabaho ay tiyak na mawawala kung ang sasalubong naman sa iyo ay ang iyong mga masasayang anak at mahal na asawa. Ngunit hindi lahat ng pamilya ay mayroong masayang pagsasama. Dahil mayroon din namang iilan na dumaranas ng pagsubok sa buhay.



Isa na marahil dito si Charlie Lozada, isang ama at isang asawa. Lumapit siya sa programa ni Raffy Tulfo upang siya ay matulungan sa kaniyang problema patungkol sa kaniyang asawa na sumama sa ibang lalaki. Siya ay isang tricycle driver at mayroon silang limang anak ng misis niyang Overseas Filipino Worker na si Sheerlyn.


Kamakailan lamang ay naging mainit na usap-usapan sa social media ang kanilang kwento. Iniwan ni Sheerlyn ang kaniyang mga anak at asawa para sa kaniyang kinakasama. At dahil nalaman ni Raffy Tulfo ang buong katotohanan sa masaklap na pangyayaring ito sa kanilang buhay.


Nagkusang-loob ang mamamahayag na si Raffy Tulfo na tulungan si Charlie at pinagkalooban niya ito ng P100,000 upang makapagsimula ng bagong buhay kasama ang kaniyang limang mga anak. Ang pera na ito ay ipinadeposito nga kaagad ni Raffy Tulfo sa pangalan ni Charlie. Ngunit imbes na ito ay gastusin niya sa kung ano-anong bagay ay mas minabuti niyang magtayo ng negosyo sa tulong ng mga pera na ito.



Sa ngayon ay mayroon na siyang sariling botique kung saan ang modelo ng mga damit ay kaniyang ring mga anak. Kumuha din siya ng pwesto sa palengke at nagtinda ng isda. Kahanga-hanga ang ginawang ito ni Charlie sa pera na ipinagkaloob sa kaniya ni Raffy. Siya ay likas na masinop at mapagmahal sa kaniyang mga anak.




error: Content is protected !!