Inakala nilang nawala na ng tuluyan ang kanilang pagong, ngunit makalipas ang 30 taon ay nasa bodega lamang pala ito!



Ang mga pagong ay simbolo ng buhay at katatagan ayon sa kultura ng mga Tsino. At talaga namang kamangha-mangha ang kwento ng pagong na ito mula sa Rio de Janeiro, Brazil.


Natural na sa ating mga Pilipino ang pag-aalaga ng mga hayop. Madalas na napapalapit ang loob natin sa mga hayop na ito at kadalasan pa ngang nagiging parte na din ng ating pamilya. Isang pamilya din mula sa Brazil ang nag-ampon at nag-alaga ng isang pagong na pinangalanan nilang Manuela. Ngunit isang araw ay nawala na lamang ito sa hindi malamang dahilan at hindi na nga natagpuan pa.




At sumapit nga ang araw na hindi nila inaasahan kung kailan sumakabilang-buhay na ang kanilang ama. Dahil sa pagkawala ng kanilang butihing ama ay naisipan ng mga anak na linisin ang bodega ng kanilang ama at sinupin pa ang mga bagay na makakapagpa-alala sa kanila sa mahal nilang ama. Ngunit laking gulat na lamang nila ng makita ang nawawala nilang pagong na nasa loob ng luma nilang bodega! Tatlumpung taon na ang nakalipas simula nang mawala si Manuela at talaga namang lumaki na siya ng husto sa loob ng bodega ng walang tubig at pagkain.


Marami mang tanong ang pamilya ay mas nangibabaw ang galak at saya nila na makitang muli ang nawawalang alaga. Makalipas pa ang ilang araw ay napagdesiyunan nilang kumonsulta na sa isang beterinaryo at itanong kung paanong nangyaring ang kanilang pagong ay nabuhay ng 30 taon sa loob ng bodega ng walang inumin o pagkain man lamang.



At ayon nga sa eksperto ay isang omnivore si Manuela. Ang mga katulad niyang “red-legged tortoise” ay kumakain ng iba’t-ibang uri ng pagkain maging gulay man o insekto. Dagdag pa ng doktor ay kayang mamuhay ng mga ito ng 2 hanggang 3 taon nang walang pagkain. Maaaring kahoy at puting mga langgam diumano ang naging “main diet” ni Manuela kung kaya siya ay nakatagal ng 30 taon!




error: Content is protected !!