Isang kamangha-manghang liwanag sa karagatan ang nakuhanan ng mga larawan ng mga photographer na ito!



Tayong mga Pilipino ay nabiyayaan ng ilan sa pinakamagagandang tanawin sa buong mundo na talaga namang dinarayo ng maraming mga dayuhan at lokal na turista. Hindi maipagkakailang marami tayong mga katangi-tanging lupain na naghihintay lamang na madiskubre pa ng maraming mga Pilipino at dayuhang lahi.



Kamakailan lamang ay hinangaan sa social media ang mga kuhang larawan ng dalawang “photographer” na ito. Sila ay nakilala bilang sina Trevor Williams at Jonathan Galione ng Tdub Photo. Nagbahagi sila ng mga nakakamanghang larawan sa kanilang social media account. Tinawag nila itong “The Weeping Stone”.



Aakalain mong ang mga bato sa gilid ng karagatang ito ay mayroong mga nagniningning na ilaw. Ang nasabing mga larawan ay kuha sa Okoyama, Japan. Makikita sa mga bato sa gilid ng karagatan na ito ang tila dumadaloy na kulay asul na likido na kung titingnan mo ay parang kumikinang ang mga ito.


Ang kulay asul pala na kumikinang sa mga batong ito ay mula sa daan-daang bio-luminescent shrimps. Bioluminiscence ang tawag sa produksyon ng ilaw ng ilang mga organismo upang maprotektahan ang kanilang sarili sa mga nais manakit o kumain sa kanila. Naglalabas ang mga hipon na ito ng tila electric blue na kulay tuwing gabi at lalo na kapag nababasa ang mga ito.



Ang mga ito ay kilala din bilang mga sea fireflies. Aakalain mong gumagapang sa mga bato ang mga hipon na ito ngunit ang katotohanan ay napapadpad lamang ang mga ito sa batuhan dahil sa alon. Kung kaya naman sina Trevor at Jonathan ay iningatan mabuti ang pangangalap at paglalagay ng mga ito sa isang lalagyan. At nang sumapit na ang gabi ay inilagay na nila ang mga ito sa batuhan at kinuhanan ng larawan. Nilinaw naman nila na naging maingat sila sa paghawak ng mga hipon na ito at naibaik nila ng maayos ang mga ito sa dagat.




error: Content is protected !!