Ito ang sikreto ng isang 75 na taong gulang na napapanatili niyang itim ang kanyang buhok



Lahat ng tao ay tatanda, kukulubot ang mga balat, maaaring makuba, lalabo ang mga mata, hihina ang pandinig, at puputi ang buhok. Hindi napipigilan ang pagtanda pero ang magandang gawin ay gumawa ng paraan upang mapanatiling maayos ang itsura at hindi magmukhang matanda.



Isa sa mga kinaayawan natin ay ang pagkakaroon ng puting buhok. Karaniwan ay ang pagkakaroon nito ang nagiging sinyales na tumatanda na. Dumarating ito sa pangyayari ng katandaan dahil may mga cells na unti-unting nawawala. Itong mga pigment cells ang nagiging dahilan upang mapanatili ang orihinal na kulay ng buhok. Kaya naman kapag nabawasan na ang mga pigment cells nagiging dahilan upang magkaroon ng puting buhok.


Pero isang nakaka-biglang pagtuklas sa isang matandang babae sa Marinduque na napapanatili niyang itim ang kanyang buhok gamit ay mga natural na paraan lamang. Isang Vlogger at make-up artist ang naka-diskubre kay lola na itim pa rin ang buhok. Ito ay si Tor Torre na natagpuan si Lola Modesta na nakatira sa Ilayang Kawit. Si Tor Torre ay nasa isang travel sa pagkaka-kilala niya kay Lola Modesta ay maaaring maging malaking tulong sa kanyang mga Vlog patungkol sa buhok.


Pero ano nga ba ang sikreto ni Lola Modesta? Ayon sa panayam niya kay Tor Torre, mga natural na shampoo at conditioner ang gamit niya. Ang ginagamit niyang shampoo ay ang sabaw ng buko o coconut milk at ang ginagamit niya namang conditioner ay coconut oil. Ayon pa kay Lola Modesta, noong siya ay bata pa, hindi uso ang mga shampoo at conditioner sa kanila. At ang kanyang mga ninuno ay ginagamit ang mga coconut milk at coconut oil sa kanilang buhok.



“According to her (Modesta), there was no such thing as shampoo during her younger years, and that her ancestors have been using coconut milk to wash their hair.”




error: Content is protected !!