Kahit na matanda na ang lalaking ito, siya ay nagtatrabaho sa isang sikat na fast food



Isa sa mga problema ng ating bansa ang kakulangan sa magagandang oportunidad na kumita. Ang iba ding mga kababayan ay sadyang nahihirapang maghanap ng trabaho dahil sa tindi ng paligsahan. Isa pang nakaka-lungkot isipin ay may mga age limit na rin ang ibang mga trabaho, kaya para sa mga may edad ay tila isang pagsubok sa kanila ang makahanap ng maayos na trabaho.



Madalas na kina-iinggitan natin ang mga OFW’s nating mga kakilala dahil sa ibang bansa ay tumatanggap sila ng mga trabahador at hindi hadlang ang edad para matanggap. Basta may kakayahan na gampanan ang trabaho ay tatanggapin nila. Pero kamakailan lamang ay may isang post na ikina-tuwa ng maraming netizens. Ang post na ito ay tungkol sa isang crew sa isang fast food chain na may edad na.


Ang mga litrato ay nakuhanan ng isang netizen na nagngangalang Gremma Cuello Avellano. Sa pagkatuwa niya dahil ngayon lang daw siya naka-kita ng ganitong service crew na may edad na. Pinuri niya rin ang fast food chain dahil hindi lahat ay tumatanggap ng mga empleyado na may edad na. Ang service crew na nasa litrato ay si Tatay Armando habang ginagampanan niya ang kanyang trabaho sa isang sikat na fast food na Mang Inasal sa SM Center.


Naging viral ang naturang post at umani, sa oras ng pagsusulat nito, ng 21K na reaksyon, 192 na komento, at 22K na shares. Maraming natuwang netizens sa ibinahaging ito ni Gremma. Ang ilang sa mga komento ng mga netizens ay pagbibigay ng parangal fast food chain. Ang iba naman ay nagsasabi ng mga bansang tumatanggap ng mga matatandang empleyado. Sana ay mabigyan ng pagkakataon din ang mga ilan nating kababayan na may kakayahan pang kumita upang matulungan sila sa pangaraw-araw na buhay.