Renewal of Vows nila Christopher De Leon at Sandy Andolong idinaos sa Vietnam



Hindi ganoon kadali para sa maraming tao ang makahanap ng taong magmamahal ng totoo at tunay. Ang tunay na pag-ibig ay nasusukat din sa katagalan ng pagsasama sa hirap at sa ginhawa. Ang totoong pag-ibig naman ay nalalaman kung mahal na mahal ang isa’t-isa sa kabila ng mga hindi magagandang mga ugali o bagay na nalalaman. Ang pagmamahal ay sadyang matalinhaga. Kung sa paghahanap ng magiging kapareha ay mahirap na para sa iba, paano pa kaya sa mga matagal ng mag-asawa?


Kaya naman isang malaking tagumpay para sa mga mag-asawa na tumagal ng mahabang panahon. Kaya naman ang mga milestone years ng anibersaryo ay ipinagdiriwang o kahit ang bawat anibersaryo ng kasal ay mahalagang ipagdiwang mapa-simple man o magarbo. Katulad na lamang ng isang sikat na aktor na si Christopher De Leon at ang asawa nitong si Sandy Andolong na ipinagdiwang ang kanilang anibersaryo sa Vietnam sa tulong ng The Wedding Library upang magkaroon sila ng renewal of vows.




May 39 na taong ng nagsasama sina. Christopher at Sandy. Sila ay ikinasal noong taong 1981 at pinatunayan na ang pagmamahalan nila ay wagas.



Ang The Wedding Library ay magkakaroon ng fair sa SM Megamall sa Mayo 24, 25, at 26.


Ito ang ibinahagi ng The Wedding Library:
“#MayForever ! We brought Christopher De Leon and Sandy Andolong – De Leon aboard Paradise Elegance in Ha Long Bay Vietnam for our bridal ad sh00t for The Wedding Library’s Bridal Fair this May 24, 25 & 26, at SM Megamall,”


Nagbigay pasasalamat si Sandy Andolong:
“To make our trip more memorable @theweddinglibraryph held an intimate renewal of vows to celebrate our 39th year. The whole trip was organized for The Wedding Library’s Bridal Fair, May 24, 25, & 26, 2019, Megatrade Hall, SM Megamall. Thank you again Winnie. Thank you @paradise.vietnam. Thank you @mikeeandrei For my simple & elegant gown,”




error: Content is protected !!